Seventh

4.3K 141 2
                                    

Aligaga ang lahat sa pag-aayos sa bahay dahil bukas na namin susunduin sila lola. Paniguradong pagod iyon sa kanilang byahe kaya dapat maayos ang bahay para komportable rin sila. Actually excited na rin akong makita sila kaya paniguradong hindi ako makakatulog mamayang gabi. Alas kwatro pa naman ng madaling araw ang alis namin pero dahil katulad nga ng sinabi ko gising ako bente kwatro oras. 

"Hoy, Meng, anong balak mo?" Nahuli ako ni mama na gising pa dahil tumambay pa ako sa salas. "Matulog ka na at maaga pa tayo aalis."

Pag-alis niya ay nanatili parin akong nakatambay sa salas at nag-internet lang. Hindi talaga ako nakaramdam ng antok, status lang ako nang status sa kung ano man ang nararamdaman ko, diary lang. Alas tres na ng madaling araw t nag-umpisa na akong mag-ayos ng sarili ko, ako narin ang nanggising sa kanila. Tinanong ako ni papa kung himala ba raw na maaga akong nagising at ito naman si mama ay sumabat kaya medyo napagalitan lang naman ako ng kaonti, onti lang naman, eh. Bakit daw ako nagpuyat? Sabi ko hindi ko na talaga mapigilan ang pagiging excited ko. 

Habang nasa byahe kami ay may kanya-kanya kaming ginagawa. Si papa ay nag da-drive, si mama nag fa-facebook sa cell phone niya at si ate naman ay natutulog, samantalang ako ay nakatingin lamang sa labas at saka ko isinukbit sa aking tainga ang earphones para makinig ng tugtog.

  🎶Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso
🎶

🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
🎶

Medyo malapit lang naman ang byahe pero nakakaramdam na ako ng antok, ang galing. Ngayon ko pa talaga siya naramdaman. Napagdesisyunan ko na pumikit lamang ng sandali para mawala ang antok na bumabagabag sa akin..

🎶🎶🎶🎶🎶

"Ija, 'wag ka na masyadong magalawgaw diyan at baka magising si, Maine."

"Oo nga. Mamaya mo na kalikutin ang pasalubong sa'yo ni Tidora." 

Huh? Ano raw, bakit parang naririnig ko 'yung pangalan ko tiyaka ni lola Tidora? Nananaginip ba ako? Dahil naalimpungatan ako ay idinilat ko na ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni lola Tinidora. 

"Waaah!" Napasigaw ako. "Lola?!" Sigaw ko ulit.

"Oh, kalma ka lang." Saad ni Lola Tinidora. 

"Bakit po kayo nandito?" Tanong ko. 

Kinurot ako sa pisngi ni lola Tinidora at saka ngumiti. "Bumalik ka na sa pagkakatulog mo, masyado kang nagpapanic." 

Nagtawanan silang lahat maliban sa akin, bigla na lang akong napatakip sa bibig ko at nanlaki ang mata. "OMG! Nakatulog ako?"

"Mismo." Tawanan parin sila ng tawanan.

Si ate ay sumingit na sa usapan. 'Tulog mantika, kanina ka pa kaya namin ginigising. Ang tibay mo rin."

"Ayan kasi, sa sobrang excited mo ayan ang napala mo. Sabi nang matulog ka na kanina, nagmakulit ka parin." Panenermon ni mama. Saklaf.

"Hayaan mo na ang bata, 'wag kang mag-alala, ija, nandito naman na kami ni Tinidora."

Huh? Bakit dalawa lang sila? Nasaan si Lola Tidora? "Nasaan po si Lola Tidora?"

"Naiwan pa doon at may tinatapos pang trabaho pero susunod na lang daw siya. pinauna na muna niya 'yung mga pasalubong niya sa inyo." 

"Akala ko naman po kasama niyo na. Pero ayos lang." Malungkot kong saad pero kaysa magdrama kami sa sasakyan ay nagpatawa na lang si Lola Tinidora.

Halos mangiyak na kami ni ate kakatawa at sobrang sakit na ng tiyan ko dahil dito, hanggang sa maka-uwi kami ay puro tawanan lang ang ginawa namin. Kaso oras na para magpahinga kaya naman ay natulog na kaming lahat. 

"Alden."

"Alden?"

"Alden 'wag mo akong iwan."

"Ah." Hirap ako sa paghinga, naninikip ang dibdib ko at sobrang init na para bang pinapakuluan ako. Gusto ko mang imulat ang aking mata habang tumatakbo ay hindi ko magawa. Nagsusumigaw na ako ngunit walang sumasaklolo sa akin. Mayhinahabol ako, hindi ko siya kilala pero mayroon rin akong isinisigaw na pangalan. Hindi ko alam kung iisa lamang ba silang dalawa?

Dahan-dahan siyang humahakbang palayo sa akin, kahit anong gawing takbo ko ay hindi ko siya maabutan. Hanggang sa unti-onti ko na siyang hindi maaninag. naglalaho na siya sa aking paningin at tanging mga luha na lamang ang nararamdaman kong dumadampi sa aking pisngi. Napakamisteryoso..


[A/n: I dedicated this part to GoddessOfReckless, thank you for reading this story. Anyway, Nakaka-inspire 'yung comment mo kaya kahit busy ako ay nag-update parin ako kahit maikli lang. I hope you like it. God bless ]




Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon