Twenty Fifth

3.5K 112 0
                                    

ADRIAN'S Point of View

"Padating na siya, Pre." Bigla akong tinapik ng tropa ko bilang senyales na maghanda na ako. Bigla akong kinabahan at hinigpitan ang hawak kong tray.

Pagdating niya sa harapan ko ay ngumiti ako at hinarangan siya. "Maine."

"Oh?" Tanong niya sa akin at para bang may tinitignan sa likuran ko pero hindi ko muna ito pinansin at pilit kong kinuha ang atensyon niya.

"Sabay na tayong maglunch." Lakas loob kong pagkakasabi.

Kaysa tumingin sa akin ay sa likod ko parin siya naka tingin, para nga bang naiinis na siya dahil sa pagharang ko at kating-kati na siya na maka alis sa harapan ko.

"Sorry, may kasabay na kasi ako." Gumilidbna siya at umabante ng kaonti para maka daan. "Next time."

Naiwan na nga akong mag-isa. Pagtingin ko sa likod ko ay nakita kong nilapitan niya si Sam. Sa inis ko ay inilapag ko na ang tray na may pagkain at umupo. Agad namang nagpuntahan ang tropa ko nung makita nilang ako lang ang mag-isa. Inupakan na nga nila ang pagkain na binili ko.

"Anong nangyari, Pre?" Tanong nila pero naka simangot lang ako.

Nakakabwisit lang na lagi niya sa akin sinasabi na next time raw pero paulit-ulit na lang naman hindi natutuloy. Pilit kong inaalis sa isipan ko na hindi niya ako pinapaasa pero minsan dumarating narin sa puntong nawawalan na ako ng pag-asa.

"Pre, bagal mo kasing kumilos, eh." Saad ni Emman sa akin at tinapik ang balikat ko. "Kung ako sa'yo, susunggaban ko na agad 'yan."

"Oo, nga. Ilang beses ka na niya binabalewala. Wala nga akong maalala na sumama 'yan sa alok mo, eh." Dagdag pa ni Cristoff.

"Dapat pwersahan na ang pag-aaya mo. Mamayang uwian ganito ang gawin mo."

Binulong sa akin ni Emman ang gagawin ko mamaya at katulad nga ng napagkasunduan ay naghintay sila sa labas ng gate at ako naman ay naka ready na sa sasakyan para ipapaandar na lang. Para bang kidnap ang magaganap.

At ito na, lumakas na ang tibok ng puso ko. Hindi ko kakayanin na makita siyang pwersahang ipapasok sa kotse ko kaya lumabas na ako at doon ko na lang sila hihintayin. Narinig ko na nga ang matinis na sigaw ni Maine.

"Hoy, saan niyo ko dadalhin? Bitawan niyo nga ako." Pilit itong kumakawala pero wala siyang magawa. Pero nung natanaw na niya ako bigla siyang huminto at binitawan na siya ng tropa at nagkanya-kanyang nagtakbuhan.

Ako lang ang naiwan at sa akin ito magagalit ng sobra.

"Adrian?" Paglapit niya sa akin akala ko ay sasampalin niya ako pero bigla na lang siya nagkamot sa ulo. "Dinner naman ngayon?" Tanong nito at napailing. Tumango naman ako at pilit na ngumiti. "Ang kulit mo rin."

"Ang dami na kasing next time na nasasayang kaya ito. Ito na lang ang naisip ng tropa na effective way."

"Okay, fine. Sasama na ako para matigil ka." Ngumiti siya sa akin.

Ako namang itong gustong tumalon sa harapan niya pero pinigilan ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at inalalayan siyang makapasok at tumakbo na ako papunta sa drivers seat habang tumalon at nag'yes' dahil finally ay napapayag ko na siyang sumabay sa akin kumain.

Dinala ko siya sa mamahaling restaurant. Pilit siyang tumanggi na 'wag daw doon dahil mahal pero sabi ko nga libre ko 'yon. Wala na talaga siyang magagawa dahil makulit ata itong isang 'to.

Pero iba pala sa feeling kapag kaharap mo na ang taong gusto mo. Para ka na lang bato na biglang nanigas, nanuyot ang lalamunan, at hindi ka na maka tingin sa mata niya. Hindi lang babae ang nakakaramdam niyan, may puso rin naman kami.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon