Omegle 9

3.6K 134 7
                                    

HIS Point of View

Last ko na 'to. Kung sakaling hindi na lumabas ang similar likes namin ay hindi na ako aasa, kung maconnect man ito kagaya kahapon ngunit hindi siya magreply ay susuko na talaga ako at kakalimutan siya. Hindi ko na ipipilit ang bagay na hindi na lman na sa akin ibinibigay and that's final.

Kung bakit naman kasi nawalan ng internet connection dito, eh. Paano kung magrereply na siya tapos biglang nawala, sayang 'yon. Ang laking sayang!

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Maiden

Totoo ba 'tong nakikita ko? Seryoso na Maiden ba talaga 'to? Kung totoo 'to! Okay, ito na ang pagkakataon ko.

You: Galit ka ba sa akin? Bakit ayaw mo sumagot sa chat ko?

You: Pasensya na kahapon, sinabi ko namang hindi ako magdidisconnect hangga't hindi ka nagreply pero bigla kasing nawalan ng internet connection kaya kusang nagdisconnect ang masakit pa ay ngayon lang bumalik.

You: Ayaw mo nanaman sumagot? May nagawa ba ako?

You: Haist..

Tumatalon na ako sa mga conclusions. Baka kasi may nagawa akong masama kaya siya ganyan. Hinihintay ko parin siya magreply pero wala talaga, eh, bibilang na lang ako hanggang isang daan at kapag hindi pa siya sumagot ay i-didisconnect ko na 'to at titigil na sa bagay na ito. Habang maaga pa ay dapat putulin na ang ugnayan naming dalawa. Hindi na dapat pang patagalin para hindi na lumala pa nang sobra.

Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat..
Isang daan..

Pagpindot ko ng Stop para idisconnect na, biglang may nagpop out na reply.

Stranger: I'm so sorry kung ngayon lang ako naka sagot. Naging busy lang ako kasi umuwi 'yung mga lola ko galing ibang bansa at nagbonding kaming lahat. Pagod na kaya wala ng time para magbukas pa ng laptop. Sorry kung pinaghihintay kita, ah. Bawi ako.

Shit! Tanga lang! Bakit ngayon pa kung kailan naman napindot ko na. Paano na? Inulit ko muli ang paghahanap sa kanya ngunit wala nang lumabas pang similar likes. Ano ba 'yan! Anong katangahan ang pinairal ko, bakit kasi hindi na lang ako naghintay, eh. Kung bakit kasi may nalalaman pa akong bilang-bilang.

Pero kaysa magmukmok ako sa nagawa kong kamalian ay may naalala akong isang bagay. Bright idea! Alam ko naman ang full name niya, bakit hindi ko siya i-search sa facebook? Talaa naman, Alden.

Www.facebook.com [Enter]

Search: Nicomaine Mendoza

Buti na lang at may lumabas, kaso Maine Mendoza lang ang nakalagay. Ay oo nga pala 'noh, mas gusto niyang tawagin siyang Maine. Ang galing lang na pati sarili ko ay kinakausap ko na.

Dahil hindi naman naka private ang account niya ay minabuti ko nang mang-istalk ng account. Stalker be like. Haha.

May pictures siyang pinost kahapon. 6:05 AM teka ito 'yung oras na chinat ko siya sa omegle, ah. Hindi kaya nag-uupload siya nito kaya hindi siya nakapagreply agad?

Enchanted Kingdom (Fambam)

Siyempre inisa-isa ko ang bawat picture, shit lang na napapangiti ako. Ang ganda niya, napakasimple lang niyang tignan pero ang ganda niya talaga. Habang tinitignan ang mga ito ay napainom na lang ako ng tubig at bigla na lamang akong nasamid nang makita ko ang sumunod na larawan.

"Angel?"

"Bakit niya kasama sa picture ang kapatid ko at hawak pa niya ang stuff toy na ibinigay ko kay Angel?" Habang hinahagod ang dibdib ko dahil sa pagkasamid ay nagtataka parin ako.

May caption pang naka lagay: I saw this little girl yesterday and I was like *^* Why so cute? And then she gave me this stufftoy as a gift. Hi Angel!

Okay, nasagot na ang katanungan ko. Ang swerte naman ng kapatid ko at nakita na niya ang taong kachat ko. Dali-dali kong sinave ang picture at sinend kay mama. Habang hinihintay ang magiging kasagutan nito ay nang stalk pa ako. Ang ganda niya talaga, nakakabighani.

'Yung pakiramdam na gusto mo na siyang i-add pero ayaw mo. Parang wala ng thrill kapag ginawa ko 'to. Siguro maghihintay na lang ako sa omegle.

At ayun na nga, nagreply na si mama.

"Ano 'yan?"

"Picture, ma."

"Alam ko. Pero bakit mo sinend?"

"Si Angel po 'yan 'di ba. Paano niya nakilala itong babaeng 'yan?"

"Ah, nabangga kasi niyang babaeng 'yan si Angel nung umaga tapos todo sorry pa kasi raw nadumihan si Minie mouse nung natumba si Angel. Tapos nung gabi, nagkasabay kami sa isang resto taoos si Angel lumapit sa babaeng 'yan at ibinigay si Minie. Okay lang naman kasi mayro'n pa raw siyang Mickey at dahil doon, gigil na gigil 'yang babaeng 'yan kay Angel. Ang cute ba naman kasi ng kapatid mo."

Napakunot noo naman ako.

"Sabi nga ng ate mo napakagandang dalaga. Totoo naman at ang bait pa. Sayang lang at hindi namin nakuha ang pangalan."

Sige mama at mang-inggit ka pa. Naiinggit na ako dahil buong pamilya ko pala ang nakakita na kay Meng. Samantalang ako nandito magdudusa.

"Saan mo pala nakuha 'yang picture na 'yan, nak?"

"Kakilala ko po kasi siya at nagulat lang ako."

"Talaga? Pakisabi na lang na gustong gusto ko siya. Ligawan mo na kaya."

"Ma..."

"Just kiddin'. Haha sige na at magpahinga ka na riyan. Love you, nak."

"I love you rin po. Bye."

Si mama talaga ang kulit. Dahil dito ay nabigyan nanaman ako ng bagong pag-asa. Agad kong binuksan ang isa pang tab at inilagay ang www.omegle.com

Isang search palang at lumabas na agad ito...

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Maiden

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon