Second

9K 226 5
                                    

Iba na ang pagkabagot ko ngayong araw. Super bored na talaga ako at feeling ko mababaliw na ako kapag pinagpatuloy ko pa ang ganito. Simula kahapon nung umuwi si papa wala nang ganap sa bahay, I mean kakaiba 'yung tahimik at lagi lang silang tulog o kung hindi naman ay may sari-sarili silang mundo. Feeling ko nga hindi na ako part ng family. Kaya naman nagpaalam ako sa kanila na mag mamall na lang muna ako para maibsan ang nararamdaman ko. Binigyan ako ni papa ng pera para pang gastos.

Siyempre hindi p'wedeng ako lang ang mag-isa kaya naman tinext ko 'yung kaibigan ko. Si Krystal, ang shopping buddy ko at magkaibigan na kami since first year college. Alam namin ang sikreto ng bawat isa at hindi pa kami nag-aaway nito sa apat na taon kaya sobrang bless ko na biyayaan ako ng kaibigang katulad niya.

"Sorry, hindi ako pwede ngayon, eh."

Nawala ang ngiting nakaguhit lamang kanina sa aking mga mukha sa mensaheng natanggap ko. Ngayon lang siya tumanggi sa akin. Dati naman kahit may pupuntahan siya ay kina-cancel niya agad 'yon kapag nag-aaya ako mamasyal pero bakit ngayon? May sakit kaya siya?

"May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

"Wala. Hindi lang talaga ako pwede."

Wala man lang bye na naganap at agad na niyang pinutol ang tawag. Ang weird talaga ng tao sa paligid, iba ang kinikilos nila? Nakakabaliw mag-isip pero bahala na, kaya ko naman pumunta mag-isa sa mall. Eenjoyin ko na lang muna ito.

"Miss, may size seven kayo nito." Itinaas ko 'yung flat shoes na hawak ko para ipakita doon sa saleslady, umalis naman agad ito pagkatango niya para kunin na 'yung size.

Habang naghihintay ay umupo muna ako sa tabi at inilibot ang mata ko sa taong naglalakad sa labas hanggang sa..

"Krystal?" Sino 'yung kasama niya?

Napailing na lang ako. Imposible. Hindi siya 'yon. Ano naman ang gagawin niya sa mall? Sabi nga niya 'di ba hindi siya pwede at kung nasa mall man siya edi sana sinabi na lang niya sa akin na sige magkita na lang kami dito at panghuli.... Kahit kailan hindi pa siya namamasyal na lalaki ang kasama, baka talaga namamalik mata lang ako.

Maine, gutom lang 'yan. Jusme, puro na lang ba katanungan ang iiral sa utak ko? Kailan ba magkakaroon ng kapayapaan dito. Bakit bigla na lang siyang may naiisip na kakaiba? Kailangan ko na ba magpatingin sa utak? Kakain na nga lang ako! Baka nalilipasan din siguro ako.

Habang naghahanap ng makakainan ay may nabangga ako. "Ay, sorry." Nakayuko kasi ako maglakad kaya hindi ko napansin kung may tao na ba sa harapan ko. Dahan-dahan kong inangat 'yung ulo ko at halos manlaki ang mata ko nang makita ko siya... "Sam?" Nakangiti siya sa akin kaya naman ngumiti rin ako sa kanya pabalik habang hinihimas ang aking noo.

"Anong ginagawa mo rito mag-isa?" Tanong niya.

Jusko napakaganda talaga ng ngiti niya, nakakalusaw! Nakakamatay. Sammy! Akin ka na lang. "A-ano, nagpapalipas oras lang. Ikaw bakit ka nan--" Napahinto ako sa sasabihin ko nang biglang may pumulupot na braso sa balikat niya. Nawala naman ang ngiti ko.

Nakaramdam ako ng selos, galit at sakit. Para bang tinutusok ng sampung milyong karayom itong puso ko. Si Sam Fernandez kasi ang taong gusto ko simula nung third year college pa ako. Napakabait niya at ibang-iba siya sa lahat ng mga lalaki. Naalala ko pa noon nung nawawala 'yung uniform ko dahil napagtripan ako noon ay siya ang nagpahiram sa akin ng jacket niya. Nakasando lang kasi ako 'nun. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon dahil hinatid niya rin ako pauwi sa bahay at doon na nag-umpisa ang paglalim ng nararamdaman ko sa kanya. Tuwing magkakausap nga kaming dalawa ay inaasar ako ni Krystal, buti na lang at hindi kami nahahalata. Oo, alam ni Krystal ang tungkol sa nararamdaman ko kay Sam. Sabi nga niya baka may pag-asa ako at kapag dumating 'yung araw na iyon ay siya raw ang number one fan ng Samaine. Enebe, kinikilig ako..

"Maine?" Familiar 'yung boses na nagsalita at hindi ako nagkakamali na boses ni Krystal 'yon. Hindi ko muna tinignan 'yung babaeng ahas na nakapulupot kay Sam at tinignan ko muna ang kaliwa't kanan ko para hanapin ang kaibigan ko ngunit bigo. Wala akong nakitang Krystal sa paligid, guni-guni ko lang nga siguro.

Kaya back to the business. Paglingon ko kay Sam ay naka akbay narin siya doon sa babaeng kanina--- "K-krystal?" Halos mautal ako. Totoo ba 'to?

"So ano nga ulit 'yung tinatanong mo kanina?" Tanong muli ni Sam. Hindi ko siya pinansin at nakatingin parin ako kay Krystal na pilit tinatanggal ang kamay ni Sam na naka akbay sa kanya. Omg! No. Hindi totoo ang nakikita ko. Set up lang 'to. Pinagseselos lang ako ni Krystal tapos biglang.. Surprise, Maine! Liligawan ka na ni Sam. Oo tama nga. Ayun lang siguro 'yan.. 'Wag kang nega diyan. "Maine?" Pagtawag muli ni Sam sa atensyon ko.

"Huh? Wala naman." Sagot ko.

"Anyway, girlfriend ko si Krystal, ang bestfriend mo. Ang galing 'di ba. Parang kailan lang."

Girlfriend? Girlfriend? Paano? Bakit? Teka! Joke ba 'to? Gag show ba 'to? May hidden cameras ba? Iiyak na ba ako o tatawa at sasabihing wow ang galing ninyo umarte? Ano? Anong gagawin ko? Bigla na lang huminto ang mundo ko, pati narin ang tao sa paligid. Tanging tibok na lamang ng puso ko ang naririnig ko. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko at ramdam kong may namumuong luha sa mga mata ko. Tinititigan ko lang si Krystal sa kung ano man ang gagawin niya, please bawiin mo 'yung sinabi niya!

"I''m so sorry, Maine." Biglang lumungkot ang mukha niya at akmang lalapit sa akin upang kunin ang kamay ko pero agad akong umatras na para bang nawala bigla ang sumpang nakapulupot sa akin para hindi gumalaw. "Maine."

Para siyang may ketong sa paningin ko. Ayokong lumapit sa kanya, ayokong hawakan niya ako! Masyadong mabilis ang lahat. Bakit hindi ako naiinform. Kaya ba hindi ako mapakali nitong nakaraang araw dahil may hindi palang magandang mangyayari? Ayun na ba ang clue? Clue na imulat ko na ang sarili ko sa katotohanan?

"Kailan pa?" Bulong ko.

"Nung graduaton lang."

Gusto kong magwala sa narinig ko! So all this time niloloko na niya ako. Na kaya pala after graduation lagi niya akong binibigyan ng mga foods and stuff ay dahil doon? Pero bakit? Alam naman niyang? Bigla niyang hinablot ang dalawang kamay ko.. Napatingin lang ako kay Sam na naka tingin lang sa aming dalawa. Hindi ko na kinaya kaya napailing na lamang ako at hinila ang kamay ko sa kanya at saka tumakbo palayo.

Naiinis ako! Traydor. Paano niya nagawa sa akin 'yon? Kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ay kasabay narin iyon ng pagtalikod ko sa pagkakaibigan naming dalawa. Tiwala ang sinira niya. Tiwalang hindi niya ako sasaktan pero mukhang hindi niya iyon naisip bilang kaibigan.

VOTE ♡ COMMENT ♡ FOLLOW

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon