Twenty Ninth

4.2K 129 6
                                    

First date namin together. Siya ang nagdadrive at papunta kami ngayon sa Enchanted kingdom, bulacan to laguna. Buti na lamang at naaalala niya ang daan kahit matagal na siyang hindi napadpad dito. Sinabi ko na nga na ako na lang ang magdadrive dahil baka maligaw pa kami.

"Hindi parin ako makapaniwala na nangyayari 'to ngayon." Sambit ko.

Bahagya siyang tumingin sa akin at ngumiti, pagtapos ay ibinalik ulit niya ang kanyang tingin sa kalsada. "Pareho lang tayo ng nararamdaman."

Medyo nawala na ang hiya ko sa kanya at sa oras na ito ay mas nakakatitig na ako sa kanya, wala na akong paki alam kung malusaw man ako sa tingin niya basta ang importante ay masulit ko ang pagkakataong ito.

"Nasurpresa ka ba?" Tanong niya.

"Hindi ba halata? Grabe talaga kanina. Akala ko talaga joke lang."

"Sabi ko sa'yo magtiwala ka lang sa akin, eh." Tumawa ito.

"Tss, masakit kaya umasa." Saad ko at tumingin sa labas ng sasakyan. Naramdaman ko naman kinurot niya ang pisngi ko.

"Hindi naman ako paasa, sabi ko nga sa'yo pinapractice lang kita. Tignan mo tuloy, naka pangtulog ka pa."

"Agh! Oo na, ang epic na nga ng nangyari kanina pinapaalala mo pa." Napanguso ako. Naalala ko nanaman, iniisip ko parin baka mukhang pugad ng manok 'yung buhok ko. Turn off!

"Ang ganda mo kaya. Walang halong biro, napakasimple at mas lalo akong naiinlove."

May mga paru-paro na sa tiyan ko. Ang kukulit nila at ang haharot. Eh, enebeyen! Tigilan niyo ako, 'pag ako hindi nakapagpigil ng kilig dito baka mapasigaw na lang ako bigla.

Pero ito na ang kinakatakutan ko, dahil nga puyat ako at wala pang tulog ay naramdaman kong sumasakit ang ulo ko.. Nakakaramdam narin ako ng antok at gusto ko munang umidlip. Hinihilot ko ang ulo ko para mawala man lang panandalian.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya at inihinto niya sa gilid ang kotse. "Masakit ba ulo mo?"

Tumango naman ako. "Oo, ayos lang ako. Hindi pa kasi ako natutulog kaya ko siguro 'to nararamdaman." Sinandal ko ang ulo ko sa may salamin at ipinakit ang mata. "Iidlip muna ako, ah."

"Sure, gigisingin na lang kita." Saad niya.

***

Naramdaman ko na lamang na may humahawi ng buhok ko. Napadilat ako at tinignan ang labas ng kotse, naka park na pala ito at natanaw ko narin ang Ferris wheel na naka silip mula sa loob ng enchanted kingdom.

"We're here!" Masigla niyang saad at naunang bumaba sa sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan.

"Parang kailan lang, kapatid mo ang nabunggo ko dito, ngayon ikaw na ang kasama ko." Siyempre, dahil babae ako ngayon at kailangan kong maging mahinhin sa mata niya ay hindi ako masyadong nagkikikilos.

"Destiny." Bulong niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko, holding hands! Nakakahiya naman dahil ang kaninang tinatago ko na namamawis at nanlalamig na kamay ay hinawakan niya. Mas lalo na lang tuloy akong kinakabahan.

"Ang lamig ng kamay mo, ah?" Tanong niya sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.

Bigla ko na lang tuloy hinila ang kamay ko at itinakip sa mukha ko. Sinisili naman niya ako pero umikot-ikot ako para matago ang reaksyon ko. Eh, ano ba 'to!

"Hala, hala. Haha, halika na." Kinuha niyang muli ang kamay ko at hinawakan. "Ang hirap itago ng kilig 'noh, kaya nararamdaman kita." Tinignan ko siya at nakita kong naka ngiti siya na abot hanggang tainga. Bigla na nga lang niya tinakpan ito gamit ng isa pa niyang kamay at tumingin sa akin. "'Wag mo akong tignan."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon