Omegle 3

6.8K 182 7
                                    

Nakakayamot! Mapagkakatiwalaan pa kaya ang mga tao sa paligid kung 'yung mismong kaibigan mo ang nagpapatunay na 'wag na. Alam mo 'yung feeling na ibinigay mo lahat ng tiwala mo sa kanya pero sa huli ikaw pa 'yung nasaktan. Ano ba ang ginawa ko sa kanyang masama para ganyanin niya ako. Naging mabait naman ako sa kanya at halos kapatid na ang turing ko sa kanya pero kulang pa ba?

Siya pa raw ang magiging number one fan ng SaMaine pag nagkataon pero siya rin pala ang unang manunulot. Na habang naka talikod ako ay bibigay na siya? Paano niya naatim 'yon? Paano niya nasikmura na makipaglandian sa taong gusto ng kaibigan niya? Bakit hindi siya nagparaya? Bakit siya pang kaibigan ko sa dinami-rami ng tao sa mundo.

Dahil nadedepress ako ngayon ay binuksan ko ang laptop ko para pansamantalang malibang ang sarili ko, ayoko munang isipin ang mga bagay-bagay. Makikipag-usap na lang ako sa mga strangers tutal hindi naman nila ako kilala pwede kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa kanila.

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Philippines.

You: I hate this day!

Stranger: Bakit?

You: Before I tell it, promise me muna na hindi ka magdidisconnect, ah.

Stranger: Okay. Promise.

You: Ang unfair ng tadhana.

Stranger: Hindi naman siguro.. Bakit mo naman nasabi?

You: What if may mahal kang tao. Super gusto mo siya noon pa man at may isa kang pinagkakatiwalaang tao na nakakaalam nito. Years past at mas lalong lumalalim ang pagtingin mo sa taong mahal mo and then isang araw makakasalubong mo na lang siya kasama ang taong pinagkatiwalaan mo, magkaakbay pa para masaya. Anong gagawin mo?

Stranger: Sad story! Haha, ewan ko pero siguro masasapak ko 'yung taong 'yon. Tinake for granted ka, eh. Sino ba 'yan resbakan ko na ba?

You: Kung p'wede nga lang kanina ko pa pina-massacre 'yung dalawang 'yon. Ang sakit 'non, ah.

Stranger: HAHA ang brutal naman 'non pero gusto mo ipa-salvage mo na rin para damang dama nila ang galit mo. Matitikman nila ang bagsik ng isang api.

You: Hindi ko talaga matanggap na 'yung mismong taong pinagkatiwalaan mo ang gagawa ng ganoong bagay sa'yo.

You: Ni minsan hindi ko 'yon naisip na gawin sa kanya pero bakit siya?

You: Ang gulo.

You: Huy, nandyan ka pa ba?

Stranger has been disconnected.

What? Nagpromise siya, ah? Grabe mahirap na talaga paniwalaan ang isang bagay. Pati ba naman sa Omegle mababaliwala ako? Hanggang sa social media maii-stress ako? Akala ko naman giginhawa na ang pakiramdam ko kahit papaano dahil may nakaka-usap na ako ngayon pero ang sakit lang na pati 'yung taong hindi ko kilala ay mawawala rin. Kahit saan talagang aspeto hindi maiiwasan ang salitang "maiwanan". Lahat ng bagay sa mundong ito ay iiwan tayo, kasi nga walang forever. Tss.




Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon