Thirty Fifth

3.2K 103 9
                                    

When I opened my eyes, I don't see him at my side. I tried to find him but he's already gone. He blocked me on my social media, I also called his parents but I got no response. It's been a year and I don't have any connections to him. My life year ago is like a dream that exist when I'm sleeping and in the same time it is a nightmare. A dream because he made me happy, he gave me a reason to stand up again when I'm down, I also experienced how to be his princess but in every beautiful dream there is a nightmare that destroy my happiness.. Many struggles and trials came, I tried to fight on it but when I wake up, I found myself lonely. It is just me who is still fighting.. After what he said.. He broke his promises on me. I thought he is ready to wait for me until the right time comes but what is the meaning of this? I'm here all by myself, no shadow of him or his presence. What happened?

I already miss him but I guess this is the time that I need to move on. And all I can say, the sadness in my heart will sooner turns into anger. I hate him for letting go of me! I think he just used me when he is just bored in America. I'm just like a toy that when you're done playing it you will just leave it.

My heart is broke into pieces and I will let the time heal it.

"Maine, halika na."

Inilagay ko sa balikat ko 'yung bag ko at nagmadali nang bumaba dahil nandiyan na siya para sunduin kami.

"Nandiyan na!"

Vacation trip! Baguio para sa mainit na summer. Hindi ko na sasayangin ang bakasyon na ito, buti nga pumayag si mama at papa na sila muna ulit ang hahawak ng business namin habang wala ako, mga one month lang naman. Ipinahawak na nga pala nila sa akin ito at ako na ang namamalakad, napagdesisyonan ko na ako na ang magtutuloy na palaguin ito kaysa naman na humanap pa ako ng trabaho at para makapagpahinga narin sana si papa.

"Halika na, nandiyan na si Adrian."

Kasama namin ni Adrian si ate at ang baby niya, ang three months old kong pamangkin. Sa dami naming plinano ni Adrian ay sa baguio kami unang pupunta, balak rin namin na mag-out of town kung kakasiya pa sa schedule namin.

Sa shot gun seat ako umupo at si ate naman ay sa likod. Medyo mahaba-haba pa ang byahe namin kaya naman p'wede pa akong matulog, alam niyo naman kapag excited ang tao ay hindi na nakakatulog sa gabi tapos kapag nandiyan na tiyaka aantukin. Medyo malakas ang tama ng utak ko.

**

"Maine. Gising na, nandito na tayo."

Sa pagmulat ng mata ko ay bumungad agad sa akin ang mahamog na tanawin, may bahay raw rito sila Adrian kaya hindi na kami mahihirapan maghanap pa ng matutuluyan. Sa tingin ko ay kasing laki ito ng bahay namin sa Bulacan, napansin ko nga lang na sayang ang bahay na ito na naluluma lamang na walang gumagamit. Oo may tagabantay dito para alagaan at mapanatiling maayos pero iba parin kung titirahan talaga ito ng isang pamilya.

Sa pagpasok namin sa bahay niya, nagulat ako dahil hindi malamig sa loob nito, taray may heater? As in hindi mo mararamdaman ang lamig na galing sa labas. Tapos, shocks! Pangmayaman ang bahay nito, 'yung totoo? Pang vacation house lang nila ito pero wapak na wapak. Hindi lang basta bahay ang kinakaroonan naming ngayon kundi isang palasyo.

"Sir!" Nagulat naman ako ng biglang may sumulpot palabas na matanda na siguro ay nasa edad singkwenta. Agad siyang dumeretso kay Adrian at niyakap ito. "Buti at naka balik ka rito. Namiss kitang bata ka."

Ngumisi si Adrian at yumakap rin dito. "Namiss ko rin po kayo, Manang."

Ah, ito pala 'yung kinuwento niya sa akin na nanay-nanayan niya tuwing nagbabakasyon siya rito.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon