Omegle 2

8.4K 208 5
                                    

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like manila.

Stranger: May forever ba?

Unang chat tanong agad. Mukhang interesting kausap ito. Mapatulan nga.

You: Para sa akin, maniniwala lang ako sa forever sa tamang panahon. 'Yung tipong ako na 'yung nasa sitwasyon, mahirap kasi sabihin agad-agad na nakita mo na ang forever mo na wala pang basehan, dapat kasi marami pang dapat pagdaanang hamon bago masabing forever na kayo kaya ngayon.. Hindi pa muna ako maniniwala.

Stranger: Very well said. Agree ako sa'yo.

You: Kaya maraming bitter, eh. Masyado kasi nilang minamadali ang lahat.

Stranger: Pero alam mo, isa ako sa mga bitter na 'yan. Paano ba naman iniwan ako ng two years ko ng boyfriend. Ang saya 'di ba. Siya ang nagpaniwala sa akin na may forever pero sa huli siya rin ang nang-iwan.

You: Aw, okay lang 'yan. Kung iniwan ka man niya ngayon pabayaan mo siya. Kawalan ka kaya niya at hindi mo siya kawalan. Darating din 'yung araw na pagsisisihan niyang iniwanan ka niya.

Stranger: Masakit, eh, kahit anong pilit ko na pagbitaw hindi ko magawa.

You: Of course mahirap 'yan. Part kaya 'yan ng moving on. Hindi ko pa siya naeexperience pero feel kong mahirap talaga 'yan pero you just need to accept it. Na it's over and your relationship with him is already done. 'Wag mo nang saktan 'yung sarili mo nang paulit-ulit.

Stranger: I super-duper hate him!

You: Hindi ko-

Stranger has disconnected.

Ano? Pangalawa na 'to, ah. Hanggang kailan ako maiiwan dito. Hindi pa ako tapos sa tinataype ko, eh. Nayayamot ako. Kapag ako nabeast mode lahat ng makakausap ko rito ita-trash talk ko ng malupit. Haha damay-damay na. Isa pang try.

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Philippines.

Stranger: Female here.

You: Same.

Stranger has disconnected.

Eh, ayoko na nga. Lokohan na lang 'to, eh. Ang hilig nilang i-disconnect 'yung usapan. Makaalis na nga lang ng bahay baka sakaling mawala ang pagkabagot ko.

VOTE ♡ COMMENT ♡ FOLLOW

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon