Twenty Second

3.9K 113 1
                                    

Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit buong araw siyang hindi tumawag sa akin kahapon, akala ko nga kaninang madaling araw ay tatawag siya pero wala. Nakakapanibago lang. Omg! Hindi kaya uuwi na siya rito sa Pinas? Tapos i-susurprise niya ako? Nakakaexcite naman.

Dahil naiinip na ako dito sa bahay ay nagpaalam ako na aalis na muna ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, bahala na kung saan ako dalhin nitong mga paa ko.

Hanggang sa napadpad na nga ako sa Alma mater ko, nakakamiss din pala maging estudyante. Kaya naman ang mga estudyanteng naglalakad papasok sa loob ay kinakainggitan ko, para bang gusto ko ring pumasok para libutin muli ito kaso hindi naman pwede.

"Pst." May sumusutsot kaya naman napalingon ako sa likuran. Wala namang tao pero naulit ulit ang pagsitsit, may aso ba para sumitsit?

Hanggang sa natanaw ko sa hindi kalayuan ang isang lalaking naka tayo sa may gilod ng poste na unti-onting nang naglalakad palapit sa akin. Sa liwanag ng sikat ng araw ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"Maine? Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito ngunit wala akong ideya kung sino siya. Sorry na dahil malilimutin ako pero pamilyar naman siya para sa akin. "Huy? Hindi mo na ba ako makilala? Ako 'to si Adrian."

Ah, si Adrian na may gusto sa akin noon. Bakit ko nalimutan ang mukha ng taong lumuhod sa akin sa harapan ng maraming tao para magtapat ng nararamdaman niya. Grabe 'yung araw na 'yon, hindi ko alam kung paano siya papatayuin sa pagkakaluhod.

"Please, tumayo ka na riyan." Utos ko sa kanya. Mamaya isipin pa ng mga tao ay pinapahiya ko siya.

"Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Huminga ito ng malalim. "Pwede ba akong manligaw sa'yo?"

"Adrian naman, eh, tumayo ka na riyan!" Hinahatak ko na siya para tumayo pero napakatigas niya.

Ayokong sagutin ang tanong niya sa akin dahil ayoko siyang ipahiya sa lahat. Ayokong busted-in siya sa maraming tao dahil pakiramdam ko ay napakasama ko naman. Kaso napakatigas ng ulo nito para hindi ako sundin. Kaya naman ay napilitan na lang akong bulungan siya.

"Sorry, Adrian, pero hanggang friends lang talaga ang kaya kong i-offer sa'yo. Please lang ay tumayo ka na riyan. Hindi ko maatim na makita kang ganyan." Malungkot kong saad at nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

Niyakap ko na lang tuloy siya ng mahigpit na kinakilig naman ng lahat ngunit mali sila ng naiisip. Kaya pagkakalas na pagkakalas ko ng yakap sa kanya ay inalok ko ang kamay ko para makipag shake hands.

"Friends?" Sa pagsabi ko nito ay napa-aww naman ang lahat. Kung akala nila na pumayag ako ay nagkakamali sila.

"Friends." Sagot niya at pinilit na ngumiti kaya naman ay hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya ay napangiwi siya.

"'Wag mong pilitin ang sarili mo na ngumiti kung hindi naman bukal sa puso mo. Oo, smile can hide the pain pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede mo itong gawin. Sarili mo lang ang niloloko mo." Niyakap ko ulit siya. "Maraming salamat sa love. At sana kahit ganito ang naging resulta ay 'wag mong isarado ang puso mo sa ibang tao. Mas deserve nila ang pagmamahal mo kaysa sa akin, okay?"

"Okay."

Ideal man si Adrian Serno ng mga babae sa school at may mga nagkakagusto sa kanya pero ako ang maswerteng babae na nagpatibok ng puso niya. Hindi kami magkaklase pero lagi ko siyang nakikita sa hall way dahil magkadepartment lang naman kami at tuwing dadaan siya sa harapan ko o ako ang dadaan ay inaasar siya ng mga tropa niya sa akin kaya naman ay noon pa lang ay alam ko na ang feelings niya for me. Kaso ang creepy lang ng mga ikinikilos niya noon pero he's a good guy naman.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon