Thirty Eighth

3.1K 103 9
                                    

"Ang pait!" Biglang nalukot ang mukha ko nung ininom ko 'yung alak na nasa bote. Hindi ko alam na ganito pala ang lasa 'non pero pagtitiyagaan ko parin ito.

"Maine, ano na bang nangyayari?" Tanong ni Krystal.

Hindi na kami napunta ni Adrian sa Singapore dahil nawalan na ako ng gana at hindi narin kami nakapaggala pa sa ibang lugar. Kaya naman pagkabalik na pagkabalik namin sa Bulacan ay tinawagan ko na agad si Krystal para samahan ako. Hindi naman niya ako tinanggihan kaya inaya ko na rin siya na mag bar.

"Hindi ko alam kung paano pero naka usap ko ulit siya.." Kapag naaalala ko 'yon ay hindi parin ako makapaniwala. "Nagulat na lang ako nung bigla niyang sinabi na nasasaktan din siya. Sinabi niya sa akin 'yung mga dahilan kung bakit niya ako iniwan at si lola Nidora ang naging dahilan nito." Tinungga ko 'yung alak na iniinom ko, ginawa ko lang itong parang tubig at hindi ininda ang kakaibang lasa nito.

"Pinagtagpo ulit kayo? Maine, hindi kaya.. Para talaga kayo sa isa't isa?" Uminom siya ng alak at saka pinagpatuloy ang pagsasalita. "Pero kinain ka na ng galit at takot kaya hindi mo 'yon nakita?"

"Psh.. Hindi ba p'wede na kaya kami muling pinagtagpo ay dahil para itigil na namin ang kahibangan na 'yon? A closure." Pangalawang bote ko na ang iniinom ko. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng pagkahilo.

"Pero wait, ah, ibig sabihin si lola Nidora ang may kasalanan kung bakit ka niya iniwanan?"

"Ayun ang sabi niya, pero sabi naman noon ni lola Nidora wala raw siyang alam sa pagkawala ni Alden. Sabi niya, pinakiusapan niya lang naman daw si Alden na palabasin ako sa kwarto."

Pinaglaruan ko 'yung sisig na nasa harapan ko gamit ang tinidor na hawak ko. Lumalalim na ang gabi at lumalalim narin ang usapan sa pagitan namin.

"May kutob ako sa lola mo, eh, paano kung siya talaga ang may pakana?" Sinubo niya ang kinuha niyang sisig. Tapos biglang nanlaki ang mata niya na para bang may naalala at itinuro sa akin ang kutsara. "'Di ba.. Naalala mo nung ikinuwento mo sa akin na pinaligawan ka ni lola kay Adrian at mas boto siya doon. Hindi niya talaga gusto si Alden para sa'yo."

"Pero ano ka ba, pumayag nga siya na ligawan ako ni Alden, eh, pero may point ka.." Napaisip naman ako.

"Imposible naman kasing bigla ka na lang iiwan ni Alden? Pagtapos ba naman ng ginawa niya para sa'yo ay sa huli iiwan ka na lang niya? Hindi naman mag-eeffort 'yon ng sobra kung wala ka lang para sa kanya."

Hindi na lang ako sumagot at uminom na lamang ako ng uminom. Pinagmamasdan na lang ako ni Krystal ngayon, wala siyang magawa dahil hindi niya ako mapigilan. Kailangan ko lang ngayon ay kaibigang makikinig at sasamahan ako ngayong gabi. Dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Alden pakiramdam ko ay sinusunog na ang kaluluwa ko sa impyerno, ewan ko. Basta! Magulong-magulo.

Sa isang bote na naumpisahan kong inumin ay umabot na ito sa anim. Hindi na kataka-taka pa kung sumipa na sa akin ang epekto nito. Napayuko na nga lang din ako sa lamesa. Para akong bangngag. Hindi ko naman aakalaing ganito pala ang pakiramdam ng malasing. Narinig ko na lamang nagsasalita si Krystal habang hinahagod ang likuran ko.

"May kutob talaga akong may sinabi si lola Nidora kay Alden, eh, at lahat ng sinabi niya ay totoo. Bakit hindi mo siya bigyan pa ng chance?"

Inangat ko ang ulo ko. "Paano? Hindi ko nga alam kung nasaan siya, eh." Tumawa pa ako.

"Maine, sabihin mo nga sa akin ang totoo, mahal mo pa ba si Alden?"

Inubos ko na ang huling patak ng iniinom ko at saka sumagod. Sobrang high ko narin dahil ngumingiti na lang ako bigla. "Ewan, siguro, baka, p'wede, oo?"

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon