Twenty First

3.8K 143 5
                                    

HIS Point of View

Kapag may gusto ay may paraan. Gumawa agad ng hakbang at 'wag maghintay ng milagro. Nasa kamay natin ang resulta kaya 'wag na nating ipaako pa kay batman ang mga bagay na gusto nating mangyari.

Sabihin na nating magkalayo kami, wala kaming magawa pareho kundi ang maghintay. Pero nagagawan naman iyon ng paraan at napatunayan ko na Love has no distance.

Distance is just a measurement but when you feel this kind of love, you will forgot how far is she.

Pero nakakaexcite rin namang isipin na baka bukas ay magkita na kami pero joke lang 'yon siyempre. Aba, uy, matutong maghintay sabi ni lola Nidora.

"Meng, on my way na sa airport. See you in a while." Pagbibiro ko kay Maine, hindi ko naman alam na kakagat siya sa patibong ko. Ka-chat ko lang siya sa facebook ngayon kaya naman hindi niya ako mahahalata. Tawang-tawa na nga ako sa kinakaupuan ko, eh.

"Seriously?" Tugon niya.

Para mas mapaniwala ko siya ay pinicturan ko ang mga maletang nasa sulok ng kwarto ko at sinend sa kanya, isama mo narin ang passport ko.

"Yup. I'm so excited."

"Shit, Alden!"

"Advance christmas gift for you.. Hindi ko na ibabalot ang sarili ko, ah."

Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa rito. Paniguradong magbebeast mode ito kapag nalaman niyang joke lang ang lahat.

"Joke lang."

Pahabol ko bago siya sumagot pa sa chat ko. Patay na, eh, yari ako nito panigurado.

"Agh! I hate you.. Pinapaasa mo ako."
Nagsend pa siya ng emoticon na galit kaya naman ay nagsend din ako, 'yung heart 'yung mata.

"I love you, too. Hindi kita pinapaasa, nireready lang kita kung sakali." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Nakakainis ka. Akala ko talaga totoo.. Nahulog pa tuloy ako sa kama."

Typing...

"Tss, I really hate you." Nararamdaman kong inis na inis na siya ngayon sa akin at kasing tulis na ng nguso ni tweety bird ang nguso niya.

"I love you to the moon and back." Sinendan ko pa nga siya ng sampung hearts. Nagvoice record din ako sa kanya para hindi na siya magtampo sa akin. "Mwah!"

"Che, don't talk to me." Nagsend naman siya ng sad emoticon. "Hindi magandang biro 'yan. Umasa ako, Alden."

"Sorry na, hindi na talaga mauulit." With matching pacute emoticon pa 'yan. "Ganito na lang, tumingin ka sa labas ng bintana."

"Anong gagawin ko?"

"Tignan mo 'yung langit."

"Anong mayro'n sa langit?" Dami naman nitong tanong. Haha.

"Araw at mga ulap. Duh.."

"Aba, gumaganon? Para kang bakla. Oh, ano ngang mayro'n sa langit?" Asar nitl sa akin pero pakiramdam ko ay sarcastic ang tono nito.

"Ayang mga 'yan ay makikita ko rin mamaya kaya 'wag ka na magtampo sa akin. Joke lang naman 'yon. Pinapractice na kasi kita."

"Ang baduy mo. Malamang makikita mo rin 'yan dahil nasa earth tayo, buti kung nasa mars ka, eh." Pamimilosopo nito. Aray ko po.

Typing..

Typing..

Typing..

Hindi agad ako sumagot dahil mukhang mahaba ang isesend niyang message sa akin.

"Gabi-gabi kong ipinagdadasal na sana umuwi ka na..."

Sabi na, eh, magdadrama na ang isang ito. Wala nang ginawa kundi magdrama tuwing magkakausap kami. Pero ang cute lang niya kapag ganyan. Nakakagigil.

"Shh, nagdadrama ka nanaman tapos iiyak. Tigil na, wala atang araw na hindi ka nagdadrama tuwing magkausap tayo." Asar ko. "Basta 'yung ipinangako natin sa isa't isa 'wag mo lang kakalimutan.. Malapit na talaga."

"Oo na. Alam ko naman 'yan, eh."

Nakakainis lang tuwing nag-uusap kami ay bigla akong inaantok. Ayoko namang tulugan siya. Tapos sa umaga naman ay kailangan ko rin putulin ang pag-uusap namin dahil papasok pa ako ng trabaho.

"Inaantok na ako, Meng."

"Gano'n? Hmm, sige tulog ka na."

"Bakit gusto mo pa ba ako maka usap?"

"Yep."

"Nye, araw-araw na tayong nag-uusap, 'di ka parin ba sawa?"

Naglalambing pa ang isang ito, bakit ngayon pa kung kailan inaantok na talaga ako? Ang aga ko kasi gumising kanina.

"Nope. Kulang pa nga sa akin 'yon, eh." Nagsend siya ng natutulog na pusa na emoticon. "Good night na, alam ko naman na pinipilit mo na lang na replyan ako. Sweet dreams."

"Bukas na lang ulit. Bye. Ingat ka, ah."
Sa pagpikit nanaman ng mga mata kong ito ay mapapanaginipan ko nanaman siya. Buti pa sa panaginip ko ay magkasama kami. Paano kaya kung naging iisa lang ang panaginip namin.

Teka.. May nagsabi sa akin noon nung college pa ako, kapag daw gusto mong mapanaginipan ang taong gusto mo ay ipasulat mo sa kanya ang buong pangalan niya sa isang papel. Dapat sa kanya mismong hand writing 'yon, sulat niya lang! Okay. At pagsapit ng gabi ay ilagay mo sa ilalim ng unan mo... Magkakapareho na raw ang magiging panaginip ninyong dalawa. Hindi ko lang alam kung totoo ito pero sabi niya sa akin dati ay na natry naman na raw niya ito hindi lamang isang beses kundi marami na at effective. Susubukan ko na ba? Haha napakadesperado namang tignan ang gagawin ko kung gano'n? Tapos para sa kapirasong papel ay ipapadala ko pa sa Pilipinas, baka pagdating 'non doon ay abo na 'yon.

Makatulog na nga lang. Puro katarantaduhan na lang ang naiisip ko, eh. Mamaya kung ano pang pumasok sa utak ko at hindi ako makapagtiis ay liparin ko na ang Pilipinas.

Bago man ako tuluyan antukin ay may huling message akong sinend kay Maine.

"Marami mang eroplano, barko, sasakyan, o bike sa mundong ito.. Handa akong maglakad papunta sa kinakaroonan mo. Boom!" With heart emoticon pa 'yan. At tuluyan na nga akong naka tulog na may ngiti sa labi.

----

Vote ⚫ Comment ⚫ Follow

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon