LOUISE POV
"OHH ija bumaba kana dito para makakain na tayo?" tawag saken ni mommy
"Opo mommy pababa na ko"
Umupo ako sa harap nya.
"Louise anak kinausap ako kanina ng tita mo nakikiusap sya na kung pwede daw sa Southeast University kana lang magturo"
Nagulat ako sa sinabi ni mommy pero natuwa ako at least di ko na ramdam na against sya sa napili kung course. Business course kase gusto nila para saken kaso ayaw ko naman. Lumayas pa nga ko dahil dun ehh hahaha pero wala din sila nagawa dahil ayaw ko talaga ng business ek ek na yan.
"Louise nakikinig ka ba saking bata ka tulala ka jan?"
"Ahh opo mommy pero pag-isipan ko muna yung offer ni tita napamahal na din kase ko sa mga estudyante ko sa pinapasukan ko ngayon eh"
"Ohh sige ikaw ng bahala anak kung ano gusto mo dun kame ng daddy mo malaki kana alam mo na ang tama at mali"
"Opo mommy salamat po"
"Ahh sya nga pala anak nagdeposit ako sa bank account mo baka kase kulang yung sinesweldo mo sa pagiging guro mo gamitin mo na lang pagkailangan mo ng pera. Alis na ko at may meeting pa ko kay Mr. Park."
Niyakap ko si mommy at humalik na din.
"Ingat po kayo wag nyo po kalimutan kumain mamaya"
Nang makaalis ang kotse ni mommy ay pumasok na ko sa loob. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv habang nanonood ako naalala ko yung perang dineposit ni mommy sa account ko. HAYY naku naman si mommy talaga ilang beses ko ng sinabi sa kanya ok lang ako napapagkasya ko naman yung sweldo ko. May naisip ako bigla ( TING Louise you're so bright tlga hohoho ). After 30 minutes ay bumaba na ko ng kwarto hinanap ko muna si Manang Celia upang magpaalam na aalis ako. Dumeresto na ko sa garage at pinaandar ang kotse ko. Habang nagddrive, binuksan ko ang ipod ko at sinuot ang head set. Nakakarelax talaga pag nakakarinig ako ng music. Huminto ako sa tapat ng malaking gate at bumusina. Binuksan agad nung guard ang gate, ngumiti ito sa akin at ganun din yung ginawa ko.
"Good morning ma'am Louise antagal nyo din po di dumalaw dito ah" sabi nya saken habang sinasarahan ang gate.
"Opo nga kuya Ed namiss ko tong lugar na to"
After kase ng graduation ko nung college medyo naging bz akong tao dahil nagreview ko para sa board exam ko. Pagkatapos ko naman makapasa nagturo agad ako sa Greenland University kaya halos wala na ko time bumisita dito.
"Kuya Ed nasan po sila Mother Therese at ang mga bata miss na miss ko na sila gusto ko na sila makita ulit? May pasalubong din pala ako para sa knila"
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?