EMBRACE POV
Nandito na ko sa harap ng simbahan dito na lang daw kase kame magkikita. Gusto ko sana sya sunduin kaso di naman sya pumayag abala pa daw yun saken. Inagahan ko talaga pagpunta dito nakakahiya naman kung malalate ako. Chineck ko muna cellphone ko kung may text si Louise sabi nya on the way na daw sya. Medyo kinakabahan ako kase first time na kameng dalawa lang ang magkasama mamasyal.
Napatingin ako sa may entrance ng makita ko si Louise. Ang ganda nya talaga sa suot nyang pink na dress medyo humahangin pa kaya nadadala ang buhok nya para syang model habang papalapit sya saken. "Tara na sa loob" rinig kong sabi nya.
Sa bandang unahan kame pumwesto kaya habang naglalakad kame napapansin nameng tinitingnan kame ng mga tao. Sino ba naman kaseng hindi lilingon sa ganda ng kasama ko ngayon. Napansin kong tumingin saken si Louise pero nginitian ko lang sya. Tahimik lang kameng dalawa hanggang sa matapos ang misa.
"May pupuntahan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmp wala naman, bakit may lakad kaba?"
"Ahh wala din yayain lang sana kita sa mall"
"Sure, Tara"
Nilakad na lang namen yung mall malapit lang naman sya eh. Pati mas romantic pag naglalakad hehe.
Inaya ko muna sya kumain maglunch na din kase eh. Dinala ko sya sa isang kilalang restaurant. Pagkaupo namen ay agad namang lumapit ang waiter upang kunin ang order namen. Buti na lang talaga di ako allergy sa seafoods favorite pa naman yun ni Louise. Natigil lang ang kwentuhan namen ng dumating yung order namen. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain sabihin ko na kaya sa kanya yung nararamdaman ko. Hayy kinakabahan ako.
"Bakit may problema ba? Tanong nya saken.
"Ahh wala may naisip lang ako"
Pinagpatuloy na lang namen ang pagkain. Nakatingin pa din ako sa kanya ng may nahagip ang paningin ko pero ambilis nyang nawala. After namen kumain ay lumabas na kame ng restaurant.
"Nabusog kaba Louise?"
"Yap sarap nga ng pagkain nila, tara" sabay hila sa kamay ko
"San tayo pupunta?" Tanong ko na parang namumula na ang muka
"Basta hahaha relax ka lang di naman kita kakainin"
Mas lalo akong namula sa sinabi nya. Pumasok kame sa quantum at dumeretso sa cashier para magpapalit ng token.
"Basketball tayo pataasan ng score ang matalo pitik sa tenga" sabi nya.
"Hahaha ako pa talaga hinamon mo sige ba"
Nagulat ako ang galing din pala nya magshoot. Kinikiliti ko sya habang nagshohoot para madistruct sya. After mag time pinagpapalo nya ko sa braso ang daya ko daw hahaha. It's my turn hahaha kaya pumuwesto na ko ng magstart ang time ko, titira na dapat ako ng iblock nya mga tira ko. Kaya yun talo ko pero ok lang masayang masaya naman sya lalo na nung pinitik nya tenga ko. Hawak pa nga nya tyan nya after pumitik eh.
"Tara dito dali" sabay hila ulit saken.
Nagulat ako ng huminto kame sa dance revolution.
"Sayaw tayo"
"Hah ikaw na lang ayaw ko nga sayaw ka na dito lang ako."
"Sige na please........." with puppy eyes
Shit ang cute nya pano ba naman ako hihindi sa babaeng to bahala na nga.
"Sige na nga"
"Yey hahaha makikita ko na sumayaw ang isang Embrace Perez"
Nagpasalamat ako ng matapos ang tugtog sobrang pula na kase ng muka ko tapos andami pang nanonood samen. Nakita kong pinagpawisan sya kaya binigay ko sa kanya yung panyo ko. Narinig ko na lang na nagtilian yung mga nanonood samen bagay daw kame.
"Magaling ka din pala sumayaw"
"Actually dancer ako nung elementary bago ko pa madiscover yung pagkanta" sabi ko sa kanya sabay kindat.
"Andaya mo naman kala ko pa naman maiisahan na kita".
"Wait lang hah dito ka lang" sabi ko sabay alis.
San ka pupunta? Rinig kong sabi nya. Kinuha ko sa bulsa ko lahat ng natitirang token. Gusto ko kase makuha yung malaking stuff toy. Papatumbahin lang naman yung maliit na laruan gamit ang pellet gun. Hayy bakit ba ayaw matumba natatamaan ko naman. Last token na to sana matumba na to. Sinipat ko talaga muna yung laruan bago binaril. Laking tuwa ng matumba yung laruan. Yes sabi ko pagkatapos iabot saken yung malaking stuff toy.
"Wow anlaki naman nyan at ang cute kanino mo yan ibibigay?" Tanong nya saken pagdating ko.
"Secret" hahaha
"Ay andaya naman"
Hinatid ko na sya sa may kotse nya mukang malungkot sya di kase sya nagsasalita. Pagtapat namen sa kotse nya nagbbye na sya saken. Bubuksan na sana nya yung pintuan ng kotse ng tawagin ko sya.
"Wait Louise, may naiwan ka?"
"Hah anong naiwan ko?" Tanong nya
"This ohh" sabay turo sa stuff toy.
Nakita kong ngumiti sya.
"Talaga saken yan" habang lumalapit saken.
Tumango lang ako sabay abot sa kanya.
"Thank you hah" sabay halik sa pisnge ko.
Nagulat ako sa ginawa nya parang nawalan ako ng boses di din ako makaalis sa pwesto ko. Nakita ko na lang na umalis yung kotse nya. Napahawak na lang ako sa pisnge ko ansarap sa feeling.
Paalis na ko ng may narinig akong nagsalita.
"So sweet"
Tiningnan ko kung san nanggaling yung boses. Nakita ko syang nakasandal sa kotse nagulat ko ng makilala kung sino sya.
"AVRIEL?????
---
A/N
Opo sino po kaya si Avriel sa buhay ni Embrace? Hindi po naten alam kung bakit nagulat si Embrace ng makita sya baka po pinagkakautangan nya. Kahit po si Author ay di alam kung sino sya natripan lang daw nya ilagay.
Abangan na lang po naten ang susunod na kabanata. Tuuuko asawa ni tuuka.
(Hahaha nainspired ako kay lola tinidora)
By the way guys, first time ko lang magsulat sa wattpad kaya pagpasensyahan nyo na po kung may mga error. Sana po magustuhan nyo to. ALDUB YOU ALL :-*
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?