EMBRACE POV
"Sir tumawag po si Ma'am Avriel kanina hindi daw po sya makakapasok ngayon"
"Bakit daw?"
"Hindi po nya sinabi kong bakit"
"Ganon ba sige ako na lang bahala"
Kinuha ko cellphone ko tska dinial ang number ni Avriel. Napakunot ang noo ko dahil 3 times ko sya tinawagan pero out of coverage yung cellphone nya. Daan na lang ako mamaya sa condo bago umuwi. Pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko dahil maglunch out ulit ako mamaya. Basa email, scan paper, sign documents sa dami ng papel na nakalagay sa table ko bigla kong nasagi yung baso at nahulog ito sa sahig. Narinig kong may nagmamadaling pumasok ng office ko.
"Sir ano pong nangyare?" nagaalalang sabi ng Secretary ko
"Ah nasagi ko lang yung baso, sorry"
"Tawag na lang po ako ng janitor"
"Okay, ahh pwede ba magpatimpla ng kape?"
"Opo naman"
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Kailangan ko na nga talaga iapply ang 5S sa office ko. Maya mayay dumating na yung janitor at yung Secretary ko.
"Sige patong mo na lang jan, salamat"
Naupo na ulit ako at uminom muna ng kape. Medjo nawala naman yung tense ko sa katawan kaya pinagpatuloy ko na ulit yung ginagawa ko. Wala nga pala si Avriel kaya kailangan ko tapusin to. Chineck ko muna yung phone ko pero wala pa din syang tawag or text. Tinary ko ulit syang tawagan pero ganon pa din. Dahil malapit na din namang maglunch break ay nagpaalam na ko na lalabas muna. Dumaan muna kong mall at tska nagpunta sa condo ni Avriel.
Tss asan ba yung babaeng yon. Huling kita ko sa kanya nung hinatid ko sya dito. May problema kaya sya iba kase yung kinilos nya nung time na yon eh.
Umalis na din ako sa condo nya dahil wala sya don. Nagpunta na lang akong Southeast University para makita si Louise. Kakababa ko lang ng kotse ng may nagpark na magandang sasakyan. Familiar saken tong kotse na to pagkababa ng driver ay nakita ko si Earl. Napatingin sya saken pero pumasok na din sya agad. Napaka yabang talaga ng taong yon buti na lang talaga nagpunta ko dito. Pumasok na din ako agad dahil ayaw ko naman malamangan ni Earl. Nagulat si Louise ng makita nya kameng dalawa. Nakita kong inabot ni Earl yung strawberry cheese cake kay Louise. Alam kong sweet tooth si Louise pero masama pa din ang sobra. Inabot ko na din yung dala ko kay Louise."A dozen of Apple hah" rinig kong sabi ni Earl
Ngumiti lang ako kay Louise para ipahalatang di ako napipikon kay Earl.
"Don't worry Louise an Apple a day keeps the doctor away"
Nakita kong napakunot ang kilay ni Earl. Hahaha ano ka ngayon kala mo ah. Napansin ata ni Louise ang tension sa pagitan namen kaya inaya na nya kame sa cafeteria. Habang kumakain syempre hindi ako nagpatalo kay Earl super asikaso kame sa kanya kahit napansin kong medjo naiirita na sya dahil sa mga estudyanteng nakatingin samen. Hinintay ko muna umalis si Earl bago ako nagpaalam kay Louise.
Habang nasa sasakyan ako ay naramdaman kong nagvivibrate ang cellphone ko.
"Hey Avriel asan kaba?"
"Dito ko sa America sorry kung di ako nakapagpaalam emergency kase eh"
"Hayy alam mo bang nagalala ko sayo hindi kita matawagan tapos wala ka sa condo mo"
"Don't worry okay ako, babalik din ako pag ok na ang lahat"
"Okay take care"
Nagikot muna ako sa ibang department bago pumuntang office. Mahirap naman kase kung puro trabaho lang kelangan ko din minsan makipag bonding sa mga empleyado ko.
LOUISE POV
"Louise may sundo ka ba ngayon?" Tanong ni Jen
"Hmm di ko alam eh basta basta na lang sila nasulpot"
"Hahaha sabagay, tara na"
Medjo matagal din kameng naghintay ng jeep ni Jen. Hindi ko kase dala yung kotse ko kung alam ko lang na ganito sana dinala ko na lang. May mga dumadaan na jeep pero puno na naman. Kaya naglakad lakad muna kame ni Jen pauna para mauna kame sumakay. Tumigil kame sa part kung san kokonte ang tao. Tiningnan ko ang relo ko it's 6pm na almost 1 hour na din kameng nakatayo ni Jen. Biglang may tumigil na isang kulay white na Van sa harap namen biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napahawak kay Jen ng mahigpit. May bumabang 5 lalake na nakasuot ng leather jacket at saklob nakita kong papalapit sila samen kaya napatingin ako kay Jen na mukang natatakot na din. Tatakbo na sana kame pero nahawakan nila agad kame. Nagpumiglas ako sa pagkakawak saken pero mahigpit talaga yung hawak nila saken.
"Si Louise lang kailangan naten kaya iwan nyo na yan" rinig kong sabi nung isang lalake
Nakita kong binitiwan nila si Jen naiyak na ko at nagsisigaw para huminge ng tulong pero wala pa din. Nakita kong papalapit saken si Jen pero naitulak sya nung lalake kaya napahiga to sa damuhan. Rinig kong tinatawag ako ni Jen pero hindi ako makasagot dahil nilagyan nila ko ng panyo sa bibig. Binuhos ko ang lahat ng lakas ko ng nagpumiglas ulit ako pero wala pa din ano nga bang magagawa ko sa dalawang lalakeng nakakapit saken.
"Isshh matigas kang babae ka hah"
Yun ang huling salitang narinig ko bago ako nawalan ng malay dahil may pinaamoy sila saken.
---
Nagising ako sa tawanan ng mga lalake. Andilim wala akong makita naalala ko yung nangyare kanina kaya nagpanic ako nagpumilit akong gumalaw pero nakatali pa din yung kamay ko.
"Pakawalan nyo na ko sino ba kayo? Pera lang ba gusto nyo please kaya namen kayong bayaran. Pakawalan nyo lang ako" sigaw ko habang umiiyak
Nakita kong bumukas ang pinto kaya nahirapan ang mata kong magadjust sa liwanag.
"Tulungan mo ko ano bang kasalanan ko sayo hah?"
Hinawakan nya ko sa buhok ko kaya napakagat ako sa labi dahil sa higpit ng hawak nya. Nanlamig ang buong katawan ko ng may ibinulong sya saken. Isang malakas na tawa ang narinig ko bago ko maamoy yung familiar na amoy na yon bago ako nawalan ng malay kanina.
---
Guess who kung sino yung nagpakinidnap kay Louise at anong motibo nya para gawin yon??
May prize na kiss ang makakahula hahaha joke langss fan sign na lang.
Thank you sa mga nagbabasa. :-*
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?