CHAPTER NINE

4 0 0
                                    

EMBRACE POV

Friday na ibig sabihin mamayang gabi na gaganapin ang mini concert. Walang klase ngayong maghapon dahil may school fair. Nandito kame ngayon sa gym kasali kase kameng lima sa basketball team ng Business Administration. Malapit na matapos ang first game Education Department vs. Information technology department ang magkalaban lamang ng 5 ang Educ. Department pero 1 minute na lang ang natitirang oras, sa kanila pa ang bola.

"Wala na yang pagasa" rinig kong sabi ni Zecker.

"Oo nga kahit ifoul nila ng ifoul wala na yan" dagdag pa ni Eirick.

"Andaming tao ngayon ahh kailangan nateng magpasikat lampasuhin naten ang Engineering Department para naman di masayang ang effort ng mga magchecheer saten " pagmamayabang ni Grey.

Napansin ko na parang may hinahanap si Light di kase sya mapakali sa upuan.

"Hoy! Anlikot mo sino ba hinahanap mo jan?" Tanung ko

Pero parang di nya ko naririnig ng bigla syang kumaway. Tiningnan ko kung sino yung kinakawayan nya, nakita ko si ma'am Louise na kumakaway din. Ang cute nya ngumite parang nabuhayan ako maglaro ng malaman ko na nanonood sya. Pakiramdam ko gusto kong magpasikat sa kanya. Tama ba yung nararamdaman ko gusto kong maging proud sya saken ahh oo gusto ko lang siguro makabawi sa kanya at mabura ang bad image ko. Eh ano naman pala kung bad image ako sa kanya ehh kase teacher ko sya kaya kailangan good image baka ibagsak ako whee yun lang ba talaga hahahaha nakipagusap at nakipagtalo ba sa sarili.

Tinawag na kame ni coach para makapag warm up. Tilian ang mga manonood ng tawagin ang aming department napatingin naman ako sa pwesto ni ma'am Louise kasama pala nya si ma'am Jen na parehong nagchecheer din samen.

Pinili na ang first 5 sympre kame lima na yun. Halos yumanig ang buong gym sa lakas ng cheer ng mga estudyante. Nakipag hand shake muna kame para walang dirty game. Si Grey ang lalaban sa jump ball dahil sya ang pinakamataas tumalon saming lima. Prrrrrrrrrtrrttttt.. tunog ng pito. Let the game begin.

Si Grey ang nakatapik ng bola kaya napunta agad saken ang bola. Nagddribble ako grabe nabibinge ako sa lakas ng sigaw nila parang mapuputulan na ng ugat sa leeg. Mahigpit ang bantay ko kaya pinasa ko muna ang bola kay Light. Pumuwesto ko sa may three points naging malikot ako para madistruct yung nagbabantay saken. Nagdrive si Light papuntang gitna pero maraming humarang sa kanya. Nakita nyang libre ako kaya pinasa nya yung bola saken. Pagkahawak ko ng bola ay agad akong tumira from three point line at isang napakalakas na sigaw ang narinig ko galing sa mga nanonood PEREZ FOR THREE. Halos di ko na marinig ang sinasabi ng commentator dahil sa lakas ng mga sigaw.

Fourth quarter na at lamang ang kalaban ng dalawa 1 minute and 30 seconds nalang ang natitira ramdam ko ang kaba kay coach, sa team at sa mga manonood. Sa kalaban ang bola halos patayin nila ang oras sa pagddrible ng masteal ko ang bola sa kanila at agad akong tumawag ng time out. 30 seconds na lang ang natitira kailangan ng mabilisang execution para manalo kame nakaramdam ako ng kaba ng maisip ko yun. Di ko sinasadyang napatingin kay ma'am Louise magkahawak ang kanyang kamay at bakas sa muka nya ang kaba pero parang nawala naman yung kaba na naramdaman ko kanina. Nagsign of the cross ako bago pumuntang gitna Samen ang laban na to sabi ko sa sarili ko.

Si Zecker ang naglabas ng bola at pinasa naman nya kay Eirick. Pumuwesto ko sa right side pero mahigpit pa rin ang bantay saken. Bigla akong tumakbo papuntang left side kaya naiwan ko ang bantay ko 10 seconds na lang ng mag pick and roll si Light at Grey. Akmang titira na si Grey ng harangan sya ng bantay nya. May 8 seconds pa ng pinasa nya saken ang bola. Nag cross over ako sa bantay ko sabay step back kaya di na nya ko nahabol ng tumira ako sa tres.

Nung mga oras na yun wala akong naririnig na kahit na anung ingay halos lahat ng tao nakatingin lang sa bola kung papasok ba o hindi. Tumama yung bola sa gilid ng ring at tumalbog sa board after nun di ko alam ang nangyare dahil halos lahat ata ng kateam ko ay dinaganan ako kasabay ang mas malakas na sigaw galing manonood. Binuhat nila ko at tinaas ko ang kamay ko PANALO TAYO sigaw ko. Naalala ko si ma'am Louise tumingin ako sa pwesto nya pero wala na sya don. Medyo nalungkot ako pero nawala din sa isip ko ng buhusan ako ni coach ng malamig na tubig.

LOVE ME OR HATE MEWhere stories live. Discover now