EMBRACE POV
Nakatingin lang ako sa baunan ni Louise may naisip kasi akong gawin kaya bukas ko na lang ibabalik. Napahawak ako sa noo ko sakit pa rin kase antigas ng ulo nya napangiti na lang ako ng maalala kong sabay kame kumain sana maulit yon.
Tumayo na ko para pumasok naabutan ko si Light sa room.
"Bro kumain kana di ka namin nakita kanina? Tanong nya saken.
"Yap tapos na".
"Kanino yang baunan na hawak mo nagbabaon ka na ngayon? Bakit pink nagiba kana ba ng preference sa buhay? Natatawang sabi ni Light.
"Gago wala ka na don" sabay tago ng baunan ni Louise sa bag ko.
Naging active ako sa lahat ng subjects ko kaya puro papuri naririnig ko sa mga teachers ko.
"Wow pare inspired talaga ah" si Eirick
"Oo nga pare halata sa ngiti mo masaya kame para sayo" si Zecker
"Libre mo kame inlove ka eh" si Grey
"Magsitigil nga kayo ang gulo nyo eh" irita kong sabi.
"Sya tara kay Steph iinom na yan" si Light
Nagpunta kameng parking para kuhanin mga kotse namen. Pagdating namen sa bar ni steph walang tao sinalubong kame ng waiter nya.
"Si steph? Tanong ko sa waiter habang yung apat eh dumeresto sa vip room
"Ah nasa kitchen po sya sir"
"Sige salamat"
Nagpunta kong kitchen at andon nga si Steph naka apron pa.
"Ano naisipan mo bakit di ka nagbukas ngayon?"
Humarap sya saken at inalis ang apron.
"Ah wala gusto ko lang magpahinga kaya magsilayas na kayo dahil sarado kame ngayon"
"Hahaha asa ka naman mapapaalis mo pa yung mga yon" habang tinitikman luto nya.
"Hoy sino may sabi sayo pwede mo tikman yan" palo nya sa kamay ko.
"Aray damot mo naman wala naman lasa" pero joke lang masarap naman sya pero mas masarap pa rin luto ni Louise.
"Hah wala talagang lasa" sabay tikim sa luto nya.
"Joke lang kaw naman hahaha"
Buti nakaiwas ako batuhin ba naman ako ng kaserola.
"Sige na una kana magluto lang ako pulutan"
Sarapan mo ah sabi ko bago umalis.
Nakakadalawang case na kame ng red horse kaya parang may tama na din ako. Niyaya ko na sila umuwi pero dahil don napunta saken ang usapan nila. Sabi na kase manahimik na lang eh.
"Ano pare pormahan mo na kase" si Eirick.
"Ewan ko sa inyo" sabi ko
"Sino ba yang bagong nagpapatibok ng puso mo? Isama mo naman dito ng makilatis ko Tanong saken ni Steph
"Wag ka nga maniwala sa mga yan"
Buti nalang at nagyaya na din si Zecker. Naiwan kame ni Light dahil inayos pa namen ang pinaginuman namen wala na kase mga waiter.
"Pare si ma'am Louise ba yan?" Tanong ni Light
Naalala ko yung nakita ko sa SM.
"Gusto mo ba sya pare nakita ko kase kayo sa SM na magkasama?" seryosong tanong ka kanya.
Tumingin sya saken at ngumiti.
"Bakit selos ka?"
Nagkibit balikat lang ako.
"Oo type ko sya pero kung gusto mo din sya ibibigay ko na sya sayo. Ngayon ka lang ulit namen nakitang ganyan. You deserves to be happy".
"Salamat bro"
"Kaya kung ako sayo pormahan mo na baka maunahan kapa".
Umuwi na din kame after namen magusap.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?