CHAPTER TWENTY THREE

11 0 0
                                    

LOUISE POV

Papunta na ko sa kotse ko para umuwi ng bahay ng tawagin ako ni Grey at Zecker.

"Bakit?"

"Samahan mo naman kame sa mall" si Grey

"Hah bakit naman ako pa, asan ba sina embrace?"

"Ehh busy nga sila tara na libre ka namen ng ice cream" hila saken ni Zecker papuntang kotse ko

Pagkarinig ko ng ice cream ay sumakay na kame sa kotse ko.

At ayun nga nilibre nila ko ng ice cream.

"May lakad kaba next week di ba may 1 week vacation tayo?" Tanong saken ni Grey

Nagisip muna ko kung may lakad ako bago sumgot.

"Wala naman"

"Good Sama kana lang samen sa Batangas kasama din si Steph" si Grey

"Ohh talaga hala gusto ko sumama pero di ko sure kung papayagan ako nila daddy" sabay halumbaba

"Ganun ba sayang naman pala" malungkot na sabi ni Zecker

Gusto ko talaga sumama magpapaalam ako mamaya paguwi ko magbakasakali lang naman baka payagan. After namen mamasyal ay hinatid na nila ko.

Naabutan ko sila mommy na nanonood ng tv. Umakyat muna ko ng kwarto para magbihis bago bumaba kina mommy. Tumabi ko sa kanila.

"Mommy daddy" tawag ko sa kanila.

"Bakit Princess may kailangan ka ba?" Sabi ni daddy ng di natingin saken.

"Hmm opo sana, may 1 week vacation po kase kame gusto ko po sana sumama sa Batangas kasama ko sina Steph po tska Fallen Voice" sabi ko habang nakatingin sa sahig.

"1 week ka don?" gulat ni mommy

Tumango lang ako. Patay mukang di ako papayagan medyo naiiyak na ko gusto ko kase talaga sumama. Inakbayan ako ni daddy.

"Ohh princess bakit ka umiiyak?"

Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa pisnge ko. Pinahid ko luha ko saka umiiling. Narinig ko na lang na tumawa si Mommy at Daddy. Napatingin lang ako sa kanila ng nakakunot ang noo kainis di na nga ko pinayagan pinagtawanan pa.

"Hahaha ikaw talaga baby hindi pa nga kame nasagot kung payag o hindi naiyak ka kagad hahaha" si mommy

Seryoso lang akong nakaupo habang tinatawanan nila ko.

"Hahaha payag naman kame ng mommy mo eh ano iniiyak mo jan?"

Pagkarinig ko ng sinabi ni daddy ay niyakap ko sila pareho.

"Salamat daddy and mommy"

"Malaki ka naman na at alam mo naman kung anong ayaw namen wag mo lang sirain tiwala namen sayo baby hah"

"Opo opo"

After kong makausap sila daddy ay umakyat na ko ng kwarto. Tinext ko silang lahat para ipaalam na kasama ko. Bukas na lang daw kame magkita kita para iayos ang mga dadalhin namen. Excited na ko first time ko kaseng magvavacation ng 1 week na di kasama sila mommy, ang vacation ko lang kase dati pag hindi kina Faye ay kina Shane naman. Niyakap ko muna si Lourace ng sobrang higpit anlambot kase nya. Si Lourace yung stuff toy na bigay ni Embrace kung bakit Lourace alam nyo na kung bakit hihihi.

AVRIEL POV

Hay sa wakas nagbunga din ang pakikipagmatigasan ko kay Daddy kung hinayaan ko lang sya nakasal na siguro ko kay Philip. Tagal ko ding hinintay na makabalik dito sa Pilipinas. Andami kong namiss yung climate, pagkain at yung mga kaibigan ko.

Pagkalabas ko sa airport ay nakita ko agad yung sundo ko. Agad kong niyakap si Mae sya yung best friend ko alam nya lahat ng nangyayare saken dito man sa Pilipinas o sa America.

Hinatid nya ko sa condo ko saka kame nagkwentuhan. Andami nyang tanong kung pano ko daw napapayag si Daddy na bumalik ako dito at wag na ituloy yung kasal. Ako pa ba magaling ata to.

"Kamusta si Embrace?"

"Ayun mukang move on na"

Nalungkot naman ako sa sinabi ni Mae. Sya lang naman ang dahilan kung bakit ako bumalik dito.

"Bakit may gf na sya?

"Wala naman ako napansin"

"Talaga so pwede pa ulit kame, penge number nya itetext ko sya."

"Sigurado ka ba jan?"

"Oo naman noh dali na"

Miss na miss ko na talaga sya. Pagkabigay ni Mae ng number ay agad ko syang tinext.

"Ohh bakit ganyan muka mo?"

"Best di na daw nya ko kilala huhu"

"Bakit nagpakilala kana?"

"Huhu hindi pa"

"Ayy loka ka pala ehh pano ka makikilala kung di ka naman nagpakilala"

"Ehh kahit na ba"

"Sya alis na muna ko best para makapagpahinga ka"

"Sige best salamat ingat ka gala tayo next time ah"

Pagkalabas ni Mae ay nahiga na ko sa kama.

Medjo naging busy ako sa business namen ito yung kapalit ng pagiging independent ko kahit ayaw ko ay wala ko magawa.

Napagpasyahan ko muna dumaan sa simbahan bago umuwi ng condo. Wala naman ng mass kaya after kong magdasal ay lumabas na ko. Bubuksan ko na ang kotse ko ng makita ko si Embrace na may kasamang babae. Sumandal muna ko sa kotse ko habang tinitingnan sila. Nanlaki ang mata ko ng makita kong hinalikan sya nung babae. Hinintay ko muna umalis yung babae bago ko kinuha attention ni Embrace. Nakita kong papalapit sya saken kaya agad akong pumasok sa sakyan at umalis. Naging malabo ang paningin ko dahil sa luhang patuloy ang pagpatak. Ansakit naman makita na ang mahal mo ay masaya na sa iba pero hindi ako papayag. Babawiin kita Embrace saken ka lang.

LOVE ME OR HATE MEWhere stories live. Discover now