LOUISE POV
Papunta kong mall ngayon dahil mamasyal kame ulit ng mga friends ko hahaha maaga ako ngayon ayaw ko na malate baka masabunutan na ko ng dalawang yun. Gusto kong sulitan ang araw na to dahil sa Monday sa Southeast University na ko magtuturo. Ikiniwento ko sa kanila yung pag reresign ko at kung san ako lilipat. Masaya silang pareho saken. By the way ako lang pala ang teacher sa aming tatlo sila kase business so ngayon sila nagpapatakbo ng business nila after ng graduation. Kahit naman magkaiba kame ng course ay di pa rin kame naghihiwahiwalay dahil pareho lang schedule namen.
"Kamusta love life mo Louise? Bakit parang wala ka nakkwento samen ah" tanung ni Shane habang kumakain ng ice cream.
Nagpout lang ako.
"Don't tell me di ka parin nakaka move on kay papa Earl". Sabi ni Faye
Nakamove on na nga ba ko kay Earl di naman na ko nasasaktan pag naaalala ko sya nalulungkot ako oo sayang kase yung 2 years na pinagsamahan namen. Its been a year na din ng huli ko syang nakita after nya kase umalis nawalan na din kame ng communication.
"Actually naka move on na ko sa kanya di pa lang ako handa ulit magkaroon ng bago relationship"
"Good to hear that ayaw na namen maglinis ng suka mo noh". Si Faye
"Hahaha sorry naman broken ehh ano magagawa ko. salamat nga pala sa inyo ahh di nyo ko iniwan nung time na sobrang weak ko".
"Ikaw pa eh love na love ka namen". Si Faye
"Ilibre mo na lang kame para kahit papano makabawi ka man lang hahaha". Si Shane.
"Okay tara pizza tayo". Aya ko sa kanila.
Mana talaga ko kay daddy mahilig sa pizza kaya ko yata umubos ng isang box nito. Kahit itong dalawa kung kaibigan mahilig din lage nga kame tambay dito ehh.
"Kamusta pala pagiging business woman?" Tanung ko sa dalawa.
"Hmmp masaya na nakakastress pero sabi naman ni daddy I'm doing great naman daw" si Shane
"Yeah you're right, nakakapunta din ako ng ibang bansa dahil sa business namen marami din ako nakikilala mga gwapo ahihihi" kilig na sabi ni Faye.
"Di ba may boyfriend ka si Mark?".
"Oo nga nakikipagkilala lang naman ako ehh don't worry I'm not a flirt anymore." Sabi ni Faye saken.
"Friend maiba tayo pano kung one day bumalik si Earl at makipagbalikan sayo balita ko kase babalik na sya eh".
Natigilan ako sa sinabi ni Shane tama ba yung narinig ko babalik na sya handa na ba ko harapin sya ulit biglang parang may kumurot sa puso ko.
"Hoy friend ok ka lang parang namumutla ka jan?" Pagaalalang sabi ni Faye.
"AHH oo ok lang ako ano ba kayo sumakit lang bigla yung tyan ko". Ayaw ko naman sabihin sa kanilang sumakit ang puso ko kaya palusot na lang muka naman effective.
"Ikaw kase andami mung kinain maempacho ka jan"..si Shane.
"Hahaha ok nga lang ako".
"Girls alis na ko nagtext kase si mommy may dumating daw na client sa office kailangan ko kausapin". Putol ni Faye
"Wow professional na professional na ahh hahaha parang dati kahit ipasundo ka ng daddy mo ayaw mo umuwi". Biro ko kay Faye.
"Well ganun talaga people change."
"Ingat ka galingan mo AJA friend, alis na din naman kame next time na lang ulit". Sabi ko kay Faye.
"Bibisitahin ka na lang namen sa Southeast University balita ko kase don nagaaral ang Fallen Voice". Sabay kindat ni Shane.
Mga lokang babaeng to di naman ako ang bibisitahin talaga kundi yung Fallen Voice na yun.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko naisip ko na naman si Earl. Hayy Earl dadating ka na nga ba ulit. Kung kelan naman nakakamove on na ko sayo ano nga ba gagawin ko pag nakipagbalikan ka saken. Napasabunot ako sa sarili ko wala ko maisip hayyy bibigyan ko ba sya ng chance. Tumayo ako upang manood ng tv nasakit kase ulo ko kakaisip.
Natapos yung pinapanood ko at nagdecide na ko matulog.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?