LOUISE POV
Tapos na ang vacation kaya nandito na ulit ako sa Southeast University nakakalungot lang dahil di ko na estudyante sina Embrace nakakamiss din naman.
Papunta na kong table ko ng may nakita kong isang bouquet na flower at chocolate hinanap ko agad yung card para malaman kung kanino galing.
"Good na good ang morning ah" biro ni Jen
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Nagbakasyon lang nagka suitor ka agad"
"Hahaha ganon talaga"
Natutuwa ko sa effort na ginagawa ni Embrace kahit ok lang na hindi na sya dumaan dito gumagawa pa din sya ng paraan para pasiyahin ako.
Nagdaan ang mga linggo pero hindi sumasablay si Embrace na magpadala saken ng chocolate, stuff toy, minsan cake, pizza. Lahat ng pinapadala nya ay may card at message kaya kinikilig ako pag binabasa ko ang mga yon. May naligaw nga lang na husky na stuff toy na walang message pero alam ko sa kanya din yun galing nakalimutan nya lang siguro lagyan. Everyday din kame magkatext at pag may free time nagdadate din kame.
Kaya kahit di ko sya estudyante ay ok lang.Gusto ko na sya sagutin pero hindi pa pwede tiis tiis lang muna malapit na din naman sya gumraduate.
Pauwi na ko sa bahay ng mapansin kong may sumusunod saken. Sino yun bakit kailangan nya kong sundan. Nagpaliko liko ako sa mga daan para hindi nya ko masundan. Nang mawala na sya ay umuwi na ko.
EMBRACE POV
Kinakabahan ako dahil first day ko ngayon sa company namen though OJT pa lang ako alam kong mataas na agad ang expectation saken ng mga tao dito. After ko kaseng gumraduate ako na ang magmamanage nito.
"Hi good morning" bati ko sa receptionist
"Hello po and good morning sir Embrace, 32nd floor po yung office nyo" masayang sabi ng receptionist
Kilala naman ako ng mga tao dito dahil nagpupunta naman ako dito dati.
Pagdating ko pa lang sa office ko ay andami na agad binigay sakeng mga papers. Literal na natulala ako pagkabigay saken. Binuklat buklat ko yung ibang papers sumakit na agad ulo ko. Ganito pala yung feeling aww makakatagal kaya ko dito.
"Sir don't worry may magtuturo naman po sa inyo kung pano yan next week pa daw sya pupunta dito"
"Hahaha buti naman magback out na sana ko eh" biro ko sa Secretary ko
"Relax lang po muna kayo sabi po ni Madam 1 week daw po muna kayo mag observe dito sa office"
Nagtext muna ko kay Louise bago namasyal sa ibang department. Mababait naman ang mga empleyado kaya naging comfortable na ko.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?