EMBRACE POV
"Louise" tawag ko sa kanya
Bakit hindi sya lumilingon?. Hinabol ko sya at niyakap sa likod pero inalis lang nya yung kamay ko. Maya mayay may mga skeleton na humawak kay Louise at hinila sya sa may liwanag.
"Louise!!" Sigaw ko ulit.
Napamulat ako ng may tumatapik sa balikat ko. Mabilis na paghinga ang pinakawalan ko.
"Bro nanaginip ka" si Light
"Si Louise pare?" Nagaalala kong tanong sa kanila
"Ok na sya nakuha na yung bala na tumama sa kanya, nagpapahinga na sya" si Grey
"Gusto ko syang makita"
"Sige pero kaya mo na ba?" Si Eirick
Tumango na lang ako at saka nila ko tinulungan tumayo. Dinala nila ko sa kwarto ni Louise dinatnan namen si Steph, Faye, Shane at Mommy and daddy nya. Natutulog sya pero halata sa muka nya ang stress na dulot ng pagkakakidnap sa kanya. May mga galos din sya sa muka at braso. Hinawakan ko ang kamay nya masaya ko dahil walang napahamak samen.
"Embrace salamat sa inyo hah kung hindi sa inyo baka kung napano na si Louise" Mommy ni Louise
"Wala po yun basta po sa anak nyo gagawin ko lahat"
"Nireport na din namen to sa School nyo para eexcuse kayo almost 1 week na din kayo dito eh" si Faye
So 1 week na pala ang nakakalipas pero parang kahapon lang yun nangyare. Malinaw pa rin ang lahat ng nangyare saken. Bumalik na din ako sa kwarto ko para magpahinga. Nadisappoint ako dahil hindi man lang ako dinalaw ng Mommy ko. Sya daw kase namahala muna ng company dahil wala ako at si Avriel.
---
After a month balik normal life na ulit kame bumalik na din ang pagiging masayahin ni Louise. Nun nagising kase sya lage na lang syang tulala according sa doctor natrauma daw sya sa nangyare kaya every night pumunta kame sa bahay nila para may makausap sya. Thanks God kase naging ok na sya.
"Bro nakakamiss pala pumasok noh" si Zecker habang naglalakad kame sa may Hallway ng school
As usual maraming estudyante na naman ang nagpapicture samen. Malapit na ang Christmas kaya marami ng decoration sa School namen. Ilang buwan na lang ggraduate na kame.
Dumaan muna kong office nila Louise bago pumuntang classroom. After ko syang makita ay umalis na din agad ako. Pagdating ko sa classroom mukang namiss nila ang isat isa dahil puro kwentuhan at tawanan ang maririnig mo sa loob. Maya mayay dumating na din yung Prof namen isa isa kameng nagkwento kung anong ginawa at natutunan namen sa OJT namen. Masaya naman ang lahat dahil para na daw silang nagwowork talaga pero meron ding nagrereklamo dahil nga sa stress at ramdam ko din yon. After naman non ay nagsuggest yung iba namen classmate na pagusapan ang Christmas party dahil malapit na din kase yun. Nagplanuhan na sa gabi gaganapin dahil sa umaga ay may activity dito sa School at napakiusapan ulit kame ni Kent na tumugtog.
LOUISE POV
Sariwa pa din sa alaala ko ang mga nangyare lalo na kapag nakikita ko ang pilat na sanhi ng bala na tumama saken. Ngunit kahit ganon sobrang Thankful pa rin ako kay God dahil hindi nya ko pinabayaan and binigyan nya pa ko ng mga mabubuting kaibigan at mapagmahal na magulang. Sila ang tumulong saken upang maka move on ako sa nangyare saken. At si Embrace gusto ko din bumawi sa kanya.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?