EMBRACE POV
Nagaayos na ko ng damit ko para sa 1 week vacation namen. Sigurado na ko buo na loob ko sasabihin ko na kay Louise ang nararamdaman ko bahala na kung ano maging result. Magpapatulong na lang ako sa kanila para dito. Tumawag muna ko kay mommy bago umalis baka kase umuwi sya hanapin ako.
Nadatnan ko nagaayos na din ng mga dadalhin na pagkain sina Steph. Dito kase ang meeting place sa bar nya. Luminga linga ako pero di ko makita si Louise.
"Relax lang nasa loob sya nagluluto adobo para sa lunch naten pagdating don" natatawang sabi ni Light
Ngumiti lang ako hahaha napansin pala nya ko.
Pagkatapos ng halos isang oras nilagay na namen sa van lahat ng gamit namen. Huli akong sumakay kaya sa huli ang pwesto ko natigilan pa ko dahil si Louise ang makakatabi ko. Medyo malayo ang magiging byahe namen dahil Lemery, Batangas pa kame pupunta. Buti na lang maganda ang panahon masusulit namen ang bakasyon. Tumingin ako kay Louise sya kase yung nasa may bintana. Ang ganda ng muka nya napaka payapa kahit nakapikit sya. Nilagyan ko sya ng unan sa may leeg kaya nagising sya. Napatingin sya saken saka ngumiti at pumikit ulit. Lalo akong nahuhulog sayo Louise. Sinuot ko headset ko at pumikit na din ako muka ni Louise ang nakikita ko kahit nakapikit ako.
Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko.
"Bro dito na tayo?" Si Light
Tiningnan ko si Louise pero wala na sya sa tabi ko.
"Asan sila?"
"Andon na sila sa kwarto"
Tinulungan ko sina Zecker na magbuhat ng mga gamit. Hindi na namen pinatulong si Eirick dahil sya ang nagdrive papunta dito. Pagkatapos namen iayos ang mga gamit sa kwarto ay kumain na kame. Ansarap talaga magluto ni Louise my Love.
"Sarap mo pala magluto Louise" sabi ni Anne sya pala yung kasama ni Grey.
"Hahaha talaga salamat"
"Oo nga swerte ng magiging asawa mo" si Zecker habang puno ang bibig
"Tumigil ka nga jan Zecker ambaboy mo kumain"saway ni Steph
Tawanan kame habang kumakain at sympre niloko namen sila.
Naiwan si Louise, Anne at Steph upang hugasan ang mga plato. Kame naman nagpunta kwarto para magpalit ng damit. Apat kame sa kwarto ako, Light, Zecker at Eirick. Sa kabila naman sa kanan ay si Louise at Steph. Sa Kaliwa naman ay si Grey at Anne for privacy daw kuno.
Nagstay muna ko sa may veranda ng cottage tanaw kase dito ang dagat. Nakakarelax nga anlamig ng hangin at ang buhangin parang sa boracay na din pino at maputi. Bumalik ako sa kwarto para kuhanin ang dala kong gitara. Mukang namamasyal na sila wala na kaseng tao sa kwarto. Pagbalik ko sa veranda ay umupo ako sa may lamesa. Nagstart ako mag strum tumigil lang ako ng may naramdaman akong may nakatingin saken. Upo ka sabi ko sa kanya saka lang sya lumapit saken.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.
"May naiwan kase ko tapos narinig lang kita kaya pinuntahan kita" sabay ngiti
"Mahilig kaba sa music?"
"Yap pero di ako gusto ng music hahaha"
"Ano favorite mong kanta?"
"Hmmp TADHANA, ikaw?"
"Ahh ok nga yan, Thunder"
"Pwede mo ba kong kantahan?"
"Pagisipan ko muna" sabay hawak sa baba.
"Ay damot mo" sabay talikod
"Hahaha joke lang ikaw talaga"
Sabay kame napalingon sa baba ng may tumawag samen ni Louise.
"Hoy kayong dalawa tara dito magset up tayo ng bonfire para mamaya" si Steph
Pareho kameng natawa ni Louise. Medyo umitim na kase sya. Tumayo na kame pareho para sundan si Steph.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?