CHAPTER ELEVEN

5 0 0
                                    

LOUISE POV

"Look Louise". Tawag saken ni Jen habang may hawak na dress.

"Maganda bagay yan sayo pag sinuot mo promise" nakangiti kong sabi.

Busy ako sa pagtingin ng damit ng maramdaman kong parang may nakatingin saken nagpalinga linga ako pero wala naman akong nakita itinuloy ko na lang ulit ginagawa ko.

Kumain muna kame ni Jen sa isang kilalang fast food "Why will you eat with a clown where you can eat with a king" basta jan kame kumain hahaha bahala na kayo kung gets nyo.

"Manonood kaba ng concert mamaya?" Tanong saken ni Jen.

" Yap sayang kase yung ticket ko gusto ko din mapanood ang Fallen Voice"

"Close ka ba sa kanila? . Mahinang sabi ni Jen.

Hah as if naman kilala ko sila ni hindi ko nga alam itsura nila maging close pa kaya.

"Ah no" matipid kong sabi kay Jen di ko kase alam kung sasabihin ko ba na di ko talaga sila kilala.

"Ah ganun ba" malungkot na sabi ni Jen.

Ano problema ni Jen parang nagiba aura nya.

"Tara na" aya ko sa kanya.

Nandito kame sa office para magpahinga break time din kase kaya stop muna ang mga games. Yuyuko sana ko para umidlip ng tawagin ako ni Ma'am Glory. Hinahanap daw ako ni Light kanina. Hmmpp bakit naman kaya. Nawala antok ko kaya nagpunta ko library may hahanapin nga pala kong book ni Shakespeare gusto ko basahin yung Hamlet.

Naupo ako sa may sulok para walang iistorbo saken. Napatingin ako sa katapat ko ng ibaba nya yung book na binabasa nya. Ang cute nya talaga bagay sa kanya yung buhok nya kahit gulo, yung ilong nya ang tangos at yung lips parang ansarap halikan.Sheet bakit ganito naiisip ko such a perv.Matagal kameng nagkatitigan ng ibaba ko ang tingin ko. Tiningnan ko ulit sya pero nakatingin pa din sya saken wala kong makitang reaksyon sa muka nya. Nanlaki ang mata ko ng bigla syang ngumiti owwhh please temptations stay away from me. Di pwede Louise ok student mo sya at teacher ka nya. Hayy ano ba to bat natataranta ko kailangan ko magisip napaka awkward naman kase ang silence ayy tangeks library nga pala to what do I expect.

"Bakit mo nga pala ko tinawag kanina?" Tanong ko sa kanya.

Napansin kong nawala ang matamis nyang ngiti at napalitan ng hiya.

"Ahh ano ahh yun ba ggguusto ko lang naman huminge ng sorry about sa nangyare nun first meeting naten I'm sorry to be rude." Sabi nya ng hindi nakatingin saken.

"Wala na yun basta promise mo na lang na di mo na uulitin".

"Yes promise cross my heart" habang nakataas ang isang kamay .

Natawa naman ako sa kanya para syang bata.

" Baba mo na yan para kang bata hahaha"

"Para bang bata cute nga eh hahaha".napakamot sya sa ulo nya.

"Joker ka din pala at may pagka childish kala ko kase suplado ka at seryoso sa buhay hahaha"

"Hahaha oo naman po muka lang talaga kong suplado pero di naman totoo yun"

"Ahhm maiba ko pero ok lang kung di mo sasagutin, ano bang sinusulat mo nun muka kaseng seryosong seryoso ka? Curious lang

"Nag susulat ako ng kanta nun time na yun".

"Ohh talaga mahilig ka pala sa music"

Tiningnan nya ko na parang nagtataka kung bakit ganun yung naging reaction ko. Bago pa sya makasagot ay dumating si Eirick. Ehmz nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap rinig kung sabi nya. Napatingin sya saken "Hi ma'am hiramin ko po muna si Embrace ah" sabi nya saken sabay kindat. Tumango lang ako sa kanya. Nood ka concert mamaya hintayin kita sabi ni Embrace bago umalis. Grabe magkaibigan nga sila ni Light basta basta na lang nagiinvite.

EMBRACE POV

After namen mag practice ay naisipan kong pumuntang library inaantok kase ako. Kumuha ako ng isang book at umupo sa may sulok . Pipikit na sana ko ng may umupo sa tapat ko hayy sino ba tong istorbo na to binaba ko yung book na hawak ko para makita kung sino yung umistorbo sa pagtulog ko. Sa halip na mainis ako ay napatitig lang ako sa maganda nyang muka medyo matagal din yung naging titigan namen ng magbaba sya ng tingin. Nakatingin pa din ako sa kanya ng tumingin ulit sya saken nginitian ko sya ng napaka sweet.

Nawala ang ngiti ko ng magsalita sya ang ganda ng boses nya. Bakit nauutal ako eh sasagutin ko lang naman yung tanong nya. After kong magsorry ay nakahinga ako ng maluwag dahil di naman pala sya galit saken. Ang sarap nyang kausap may sense of humor. Nagulat lang ako sa sinabi nya na mahilig daw pala ko sa music bago pa ko makasagot ay dumating si Eirick. Sinadya kong di tumingin sa kanya bago ko sya niyayang manood ng concert. Sana dumating sya.

"Ganda ng ngiti naten ah" sabi ni Eirick

"Nakangiti ba ko di naman ah"

"Tss inlove"si Eirick naiiling iling

Di na ko sumagot pero nakangiti pa rin ako inlove nga ba ko hahaha.

"Nangangamoy love triangle"

Rinig kong sabi ni Eirick.

LOVE ME OR HATE MEWhere stories live. Discover now