EMBRACE POV
Anong ginagawa nya dito. Akala ko ikinasal na sya sa America hindi ko akalain na babalik pa sya at magkikita pa rin kame. Lalapitan ko sana sya pero bigla syang pumasok sa kotse at pinatakbo ng mabilis. Tumakbo ko sa kotse ko para habulin sana sya pero nawala agad sya. Napasuntok ako sa manebela gusto ko syang makausap. Nag U turn na lang ako para pumunta sa bahay ni Light.
Pagkarating ko sa bahay nina Light ay nakita ko si Ate Rhainne.
"Ate si Light?"
"Nasa kwarto hintayin mo na lang jan pababa na yun"
"Ahh ok sige salamat"
"Welcome maiwan muna kita may lakad ako eh, bye"
Nginitian ko lang sya. Habang naghihintay ako binasa ko muna yung magazine sa ibabaw ng mesa.
"Oh pare anjan ka pala, ano gusto mo kainin? Sabi ni Light habang tinutuyo ang buhok nya.
"Cheese cake na lang"
Rinig kong inutusan nya yung maid nila.
"Ano problema? Si Louise ba?"
"Pag may problema ko si Louise agad hindi ba pedeng si Avriel" gigil kong sabi
Nakita ko lang syang nagtaas ng kilay na parang naguguluhan. Hinatid na din yung cheese cake namen. Sarap talaga ng strawberry cheese cake. Sumubo muna ulit ako bago nagsalita.
"May balita ka ba sa kanya?. Tanong ko sa kanya.
"Don't tell me you still love her?"
"No it's not like that just answer my question? Irita kong sabi
"I Know she will come back here but I don't know when, why?
"She's already here, I saw her a while ago" seryoso kong sabi kay Light.
Napansin kong nagulat sya sa sinabi ko.
"Hah talaga panong.."
Bigla kong pinutol sasabihin nya.
"Yun nga din nasa isip ko kaya pumunta ko dito baka sakaling may alam ka hindi ko naman sya nakausap dahil umalis sya agad balak sana syang habulin kaso nawala agad."
Huminga ng malalim si Light.
"Ano balak nya bakit bigla syang bumalik?" Sabi ni Light habang nakatingin sa cake.
"Sige pare uwi na ko sinabi ko lang sayo to" sabay kaway.
Habang nasa sasakyan ako si Avriel pa rin nasa isip ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Naisip ko na lang itext si Louise at ayun nga nagiba mood ko. Ansaya pag sya kausap ko.
LOUISE POV
Nakaharap ako ngayon sa salamin upang icheck ang sarili ko kailangan maganda ko isang Embrace Perez lang naman kasama ko mamaya. Dinala ko kotse ko para di hassle pero bago magdrive nagtext muna ko sa kanya.
Kakapark ko pa lang ng kotse ko ng makita ko agad si Embrace. Kumaway ako para makita nya ko. Naglalakad kame papuntang unahan ng simbahan ng mapansin ko pinagtitinginan kame tumingin ako sa kanya pero nginitian lang nya ko.
After ng mass ay tinanong nya ko kung may lakad pa ako sakto naman wala. Niyaya nya ko magmall para kumain pumayag din naman ko ayaw ko pa din naman kase umuwi.
Seafood ang inorder namen kaya sarap ng kain ko. Napansin ko parang natahimik sya kaya tinanong ko sya kung may problema sya wala naman daw kaya nagpatuloy na kame ng pagkain.
After namen kumain ay may naisip ako hinawakan ko kamay nya para hilahin papuntang quantum. Nabigla sya sa ginawa ko kase parang namula yung muka nya. Tinanong nya ko kung san kame pupunta pero sympre di ko sinabi baka di sya sumama eh. Pagdating namen sa quantum ay deretso kameng cashier para sa token. Niyaya ko sya magbasketball kahit alam kong magaling sya eh ano magaling din naman ako varsity kaya ko ng quantum nung college hahaha.
Iisa ang vacant kaya ako muna maglalaro kailangan manalo ako ayaw ko mapitikan sa tenga. Nagstart na yung time ko pero habang nagshohoot ako bigla nya ko kiniliti kaya nahirapan ako magshoot tawa kase ako ng tawa. Nang matapos ang oras ko pinagpapalo ko sya sa braso ang daya nya kase. Nung sya naman naglaro ginulo ko din sya binalock ko mga tira nya anong akala nya sya lang pede mangdistruct at ayun nagbunga ang paghihirap ko ang dami kong tawa after kong pitikin tenga nya namula kase.
Hinila ko ulit sya gusto ko sya makita magsayaw kaya nagpunta kame sa dance revolution. Nagulat sya sa nakita nya at ako naman natuwa. Nung una ayaw nya pero sympre ginamitan ko ng charming hanggang sa pumayag sya. Nanlaki ang mata ko ng makita syang sumayaw ang galing nya napansin ko din na dumami yung nanonood sa kanya. Natapos syang mag dance revo ng bigyan nya ko ng panyo puro tilian ang narinig ko. Hinayupak na yun dancer pala kala ko naisahan ko na.
Bigla syang nagpaalam saken na may pupuntahan lang daw sya kaya nanood na lang ako ng mga naglalaro. Nawili ako sa panonood kaya di ko napansin ang oras nakita ko na lang si Embrace na may dalang malaking stuff toy. Tinatong ko kung kanino nya ibibigay yun ang cute kase sana para saken pero nadismaya ako ng di nya sinabi kung para kanino yun. Parang may kumurot sa puso ko at nasasaktan ako kapag naiisip kong para sa girlfriend nya yun. Naglakad na kame papuntang kotse namen pero ayaw ko magsalita. Bubuksan ko na sana pinto ng kotse ko ng bigla nya ko tawagin my naiwan daw ako. Wala naman akong dala ano kayang naiwan ko. Sobrang saya ko ng sabihin nya kung ano yung naiwan ko para saken nga yung stuff toy na dala nya. Lumapit ako sa kanya para abutin yung stuff toy sa sobrang saya ko nahalikan ko sya sa pisnge. Namula muka ko sa ginawa ko kaya di ko na hinintay na magsalita sya. Habang papalayo ako ay nakatingin pa rin ako sa side mirror ng kotse ko nakatayo pa din sya don nagulat siguro sa ginawa ko. Nagtitili ako habang nasa sasakyan sobrang kilig kase.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?