CHAPTER FORTY ONE

3 0 0
                                    

LOUISE POV

Nagising ako sa ring ng cellphone ko 3am wow sarap pumatay ng tao.

......calling Faye......

Wala akong balak sagutin cellphone ko kaya pumikit na lang ako.

......calling Faye.....

Tinakpan ko ng unan ang tenga ko para hindi ko marinig yung ring ng cellphone ko pero wala ata talagang balak tumigil si Faye sa pagtawag kaya sinagot ko na.

"Louise gumising ka jan dalian mo kanina pa kong tumatawag sayo" pasigaw na sabi ni Faye

Abat sya pa ang galit pagkatapos nyang istorbohin ang masarap kong tulog.

"What the!! Wag ka nga sumigaw jan it's 3am so tulog ako, ano ba problema mo at napaka aga mo mang gising?"irita kong sabi

"May sasabihin ako sayo" parang excited sya

"Ano naman yang sasabihin mo at hindi na makahintay hanggang mamaya, inistorbo mo pa pagtulog ko"

"Ok sige mamaya ko na lang sasabihin matulog ka na ulit bye"

"Wait wait! Para kang ewan nagising mo na ko tapos saka ka pa nagisip ng ganyan"

Narinig kong tumawa sya at narinig ko din ang boses ni Shane so magkasama pala sila ngayon.

"Good, Magbihis ka ngayon dalian mo mamaya na ko magexplain sayo, we will give you 30 minutes, nandito kame sa tapat ng bahay nyo"

Napatayo ako sa kama ko at napatingin sa may bintana. Hindi nga sila nagbibiro dahil nakita ko yung kotse ni Faye sa labas ng bahay namen. Halos nagbasa lang ako ng buhok dahil 30 minutes lang ang binigay nila saken. Nagsuot lang ako ng jeans, long sleeves at sneakers dahil malamig sa labas. After kong magayos ay bumaba na ko.

"Ang aga san tayo pupunta?"

"Antagal mo hah muntik na kameng lamukin dito" si Shane

"Wow hiyang hiya naman ako sa inyo noh sa pagkakatanda ko ginising nyo lang ako sa mahimbing kong pagkakatulog"

"Hahaha kase naman late ko na din nalaman" si Faye

"Ano ba kaseng meron kanina pa ko nagtatanong unli na ko dito" pagmamaktol ko

"Baka kase hindi ka sumama"

Nanahimik na lang ako dahil wala naman akong matinong sagot na nakukuha sa kanila. Napansin ko na lang ng huminto kame sa Airport.

"Faye sino susunduin naten dito?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Time na siguro para sabihin namen sayo" si Shane

"Andyan na pala sya" sabay turo sa may likod ko.

Nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko syang magsalita. Hindi ako nagkakamali sya talaga yun bumalik na nga sya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ni hindi ko kayang humarap sa kanya.

"Faye, Shane thank you I owe the two of you"

"Wala yon, una na kame hah sunod na lang kayo sa kotse" si Shane

Susunod na sana ko sa kanila ng may humawak sa braso ko.

"Louise"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at wala din akong maiisip na sasabihin sa kanya. Lumakad sya para makaharap saken. Napatingin ako sa muka nya naging mature yung itsura nya pero lalo syang gumwapo, nagkaroon na din sya ng muscles.

"Done checking me out?" Nakangiti nyang sabi

God namiss ko yung ngiting yon, yung ngiting wala ng mata dahil sa kasingkitan nya.

"Libre ang magsalita" dagdag pa nya

Dun lang ako natauhan sa pagkakatulala.

"Ahh sorry, kamusta ka na?"

"I'm fine dahil nakabalik na ko dito at nakita na ulit kita"

"So.."

"Yes, I'm already a doctor, gaya ng Promise ko sayo dati babalikan kita at pag dumating yung time na yun isa na kong magaling na doctor"

Natuwa naman ako sa sinabi nya dahil natupad nya na yung pangarap nya.

"Siguro iniisip mo natupad ko na pangarap ko noh totoo naman yon pero may isa pa kong pangarap" sabi nya habang nakatingin sa stars

Tumingin naman ako sa kanya at tumingin din sya saken. Tiningnan ko sya ng ano yun look. He lifted my chin and my heart beats faster.

"To be with you forever"

Hindi ako makahinga sa sinabi nya pero parang may iba hindi ko alam kung ano.

"B-bbut we need to go, naghihintay na sila sa kotse"

Pinagbuksan nya muna ko ng pinto bago sya pumasok sa kotse. Magkatabe kame ni Earl sa likod dahil hindi na sya pinagdrive ni Faye malayo din kase binyahe nya. Nagkwentuhan lang silang tatlo pero ako tahimik lang. Huminto muna kame sa isang fast food para mag breakfast. Si Earl ang umorder para samen pagbalik nya may dala syang dalawang tapsilog at dalawang pancake. Hindi parin nya nakakalimutan ang favorite ko. Inabutan nya ko ng chocolate drinks at sa kanila naman ay kape.

"Salamat sa pasalubong ah" rinig kong sabi ni Shane

Napataas naman kilay ko sa narinig ko. Grabe sila, may pasalubong ako wala kainis ah.

"Hoy girl imik din pag may time" si Faye

"Busy ako sa pagkain wag nyo kong guluhin" pagtataray ko sa kanila.

"Hahaha I missed everything about you Louise" malakas na tawa ni Earl kaya napatingin kame sa kanya.

Nandito na kame sa tapat ng condo ni Earl pababa na sya ng ayain nya ko.

"Louise sunduin kita mamaya hah labas tayo"

"Hah bukas na lang alam kong pagod ka"

"No gusto kong bawiin yung time na wala ako"

Natouch naman ako sa sinabi nya kaya pumayag na rin ako.

LOVE ME OR HATE MEWhere stories live. Discover now