LOUISE POV
Today is Monday maaga akong gumising para dumaan sa Southeast University dahil kakausapin ko si Tita Josephine regarding sa offer nya saken na magturo don. Di naman masama kung gagawin ko syang option nahihirapan din kase ako sa schedule ko sa Greenland University dahil may 7pm akong klase natatakot ako umuwi magisa. In case na maganda yung schedule at salary go na ko don sayang ang opportunity.
7:00am umalis na ako ng bahay para di ako abutan ng traffic Monday pa naman sigurado abot hanggang EDSA ang traffic. Ginamit ko yung driver namen di ko kase alam kung san yung pupuntahan ko. Naririnig ko yung name ng school nila lalo na pag may NCAA kilala sila sa larong basketball. Balita ko din na don nag-aaral yung member ng FALLEN VOICE. Honestly di ko pa sila nakikita kahit sikat sila every time kase na manonood ako ng gig nila lage nalang may tumatawag saken its either my mom or dad. But one time I heard their voices pauwi ako nun sa bahay at naisipan ko bumili sa isang convenient store. Habang naglalakad ako napatigil ako sa isang bar ang ganda ng boses nung kumakanta napaka sweet full of emotion bigay to do kumbaga. Narinig ko na lang ang sinisigaw ng mga tao it's FALLEN VOICE. Tama bagay sa kanila yung name nila nakakafall yung voice nila grabe.
Napatingin ako sa bintana ng kotse ko. Ito na siguro ang Southeast University maganda pala dito malawak katulad ng school ko nung college. Pagkababa ko ng kotse nagtanung ako kung san yung office ng President nila. Medyo malayo pala lalakarin ko buti na lang naka flat shoes lang ako. Bakit kaya nakatingin sila saken may dumi ba ko sa muka or may mali ba sa suot ko shockzz nacoconcious ako itinuloy ko na lang ang paglalakad ko. Malapit na ko sa President office ng may tumawag sakeng lalake.
"Miss miss wait lang"
"Yes, what can I do for you?"
"Ahh wala tanong ko lang sana kung bago ka lang dito ngayon lang kase kita nakita dito ehh" sabay kamot sa ulo
"Ahh no may appointment lang ako sa President ng school mo"
"Ahh ganun ba sayang naman kala ko nahanap ko na forever ko. Sige alis na ko"
Nakatalikod sya saken ng bigla syang nagsalita Miss alam mo ang ganda mo pero deretso pa rin sya sa pag lalakad. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya WALANG FOREVER sigaw ko sa kanya. Narinig ko na lang na may sumigaw din na walang maingay nagulat ako at napatakbo sa President's office. Nakaupo ako ngayon sa loob ng office ni tita hinihintay ko kase syang matapos sa meeting nya. Nagbasa basa ako ng magazine para di ako maboring sa paghihintay.
"Louise anjan ka na pala kanina ka pa ba? Kamusta. Ano gusto mo kainin?" Bati saken ni Tita
"Naku tita wag na po dumaan lang po ako para pagusapan yung offer mo saken."
"Ano napagisipan mo na ba? Matutuwa ako pag tinanggap mo offer ko sayo"
Halos 1 hour din yung naging paguusap namen ni tita may kasama na din kase kamustahan yun. Papunta kong Greenland University para magpasa ng resignation letter. Tinanggap ko nga pala yung offer ni Tita saken kase maluwag yung schedule na binigay nya saken at yung salary mas mataas din kaya ginrab ko na yung opportunity muka din naman kase mababait yung mga estudyante.
Binigay ko na yung resignation ko sa school director namen nung una ayaw nyang tanggapin dahil ayaw nya ko umalis mababawasan daw ang magaling na Teacher sa school nya nakkss naman tumaba yung puso ko sa narinig ko sarap ng feeling pag naaappreciate ka ng ibang tao. Sinabi ko na lang na bibisita ko pag di ako busy. Nagpaalam na din ako sa mga co teacher at estudyante ko teary eyes na ko kanina huhuhu kahit almost 1 year pa lang ako dito napamahal na sila saken. Mamiss ko silang lahat.
Pakiramdam ko sobra yung pagod ko balak ko sana mag mall ngayon pero sa ibang araw na lang uuwi na lang ako para makapagpahinga. Pagka dating ko sa bahay ay tinawagan ko sina mommy at daddy kinewento ko kung ano nangyare kanina natuwa naman sila sa disisyon ko. May 1 week pa ko para irelax at ihanda ang sarili ko sa bagong environment na gagalawan ko. Kinakabahan ako kapag naiisip ko dun na ako magtuturo hayyy sana mababait maging estudyante ko para di ako masyado mahirapan. Gusto ko din pala makilala ang Fallen voice hihihi kanina kinakabahan ako ngayon naeexcite na ko. Opps speaking of voice naalala ko na naman yung lalake sa ampunan hayyyy gusto ko din sya makilala gwapo siguro yun sabi din kase ni Mother. Hmmm ahihhihi naaalala ko yung boses nya kilig much ako pano kaya pag hinarana nya ko OW ME GED!! Di ko na namalayan nakatulog na ako.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?