EMBRACE POV
Monday excited ako pumasok hahaha bago to. Good morning bati ko sa mga classmate ko natawa ko sa mga reaction nila yung iba kinilig yung iba lumaki ang mata. Naupo na ko sa pwesto ko ng lumapit yung isa kong classmate na babae kung pwede daw magpapicture dahil maganda araw ko pumayag ako. Mapababae man o lalake ay sumama sa groupie namen.
Napansin kong dumating na yung apat. Aba ang magagaling kong kaibigan wala man lang nagreply saken nun Saturday.
"May date ako nun kaya di ako pwede" si Grey
"Umiral na naman yang pagiging babaero mo" sabi ko
"Busy ako nun Saturday kasama ko si Steph." Si Zecker.
"Umamin ka nga ano meron sa inyo ni Steph" sabi ko habang nakangiti
"Wala noh alam mo naman ikaw gusto non" sabay tawa ni Zecker
"Ako wala sa bahay lang 12nn na nga lang ako nagising kaya di na ko nakareply" si Eirick
"Nasa SM ako kahapon di ko lang agad nabasa text mo" si Light
"Ok na ok na wag na kayo magpaliwanag the damage has been done" sabi ko after nila mgexplain
Abat tinawanan lang ako nagtatampo na nga yung tao. Dumating na si ma'am kaya behave na kame.
Natapos ang first subject, next is Math alam na this hahaha. Favorite subject ko na ang math para lage ko makita si Louise. Magaling sya magturo yun tipong nagdidiscuss sya tapos bigla syang magtatanong kaya dapat active yung mind mo bawal ang tutulog tulog kung ayaw nyong matulad saken. Ngayon ko lang talaga ginustong wag muna magbell pero dahil di ko naman hawak ang oras wala akong nagawa ng tumunog ang bell.
May meeting daw lahat ng teachers kaya mahaba ang lunch break. Yung apat kung kasama kanya kanyang gimik para sulitin ang mahabang oras. Ako ito pumunta sa rooftop sinuot ko headset ko saka humiga at pumikit.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may pumipindot sa pisnge ko dahan dahan kong minulat ang mata ko ng makita ko ang maamong muka ni Louise sa gulat ko napabangon ako bigla kaya nagkauntugan kame. Aww rinig kong sabi ni Louise na hawak pa ang noo nya. Napahawak din ako sa noo ko ansakit nga kase.
"Sorry po ma'am" sabi ko.
Hahawakan ko sana noo nya pero medjo umiwas sya. Aww mas masakit ang puso ko kesa sa noo ko.
"Ok lang ako" sabi nya habang nakaupo at may nilalabas sa dala nyang supot.
"Pano ka napunta dito?" Tanong ko sa kanya.
"Actually madalas ako dito lalo na pa wala ng vacant seat sa cafeteria katulad ngayon"
"Ehh bakit mo ko ginising?"
Bigla nyang tinuro ang araw.
"Mainit na kase sa pwesto mo ohh"
Natuwa naman ako dahil concern sya saken.
"Tara kain tayo mukang di ka pa kumakain" sabay abot nung isa nyang baunan saken.
Hindi ko sana kukuhanin yung inabot nya ng biglang tumunog tyan ko. Aww naman nakakahiya.
"Hahaha sige na kainin mo na yan"
"Salamat ah" sabi ko bago ako sumubo.
"Luto mo ba to?"
Tumango lang sya pero di sya nakatingin saken.
"Ansarap" nagaabang ako kung ano magiging reaction nya.
Lumingon sya saken at biglang ngumiti.
"talaga"
Tumango tango lang ako dahil busy ako pagkain. Masarap pala syang magluto answerte ko naman natikman ko luto nya.
Nagpasalamat ako sa kanya ng matapos kameng pareho kumain. After non nagpaalam na din sya dahil may gagawin pa daw sya kinukuha nya yung baunan nya pero di ko binigay sabi ko kase huhugasan ko muna dahil sa nagmamadali nga sya pumayag din sya. Pinagmasdan ko lang sya habang bumababa ng hagdan.
LOUISE POV
Katatapos ko lang ng klase ko kina Embrace ng magpatawag ng meeting ang mga Dean.
Gutom na ko sabi ko kay Jen after ng meeting 12:30 na kase halos natapos. Pumunta kameng cafeteria pero wala ng vacant except don sa restricted table ng Fallen Voice abah wala sila himala dahil di naman kame pede umupo don lumabas na din kame agad.
Nagpaalam si Jen nag mag lunch out na lang sya pero di ako sumama sayang kase baon ko.
Sa rooftop na lang ako kakain. Pagdating ko don may nakita akong lalake na nakahiga tulog siguro. Nilapitan ko sya para gisingin medyo mainit na kase sa pwesto nya. Si Embrace pala sya tinitigan ko muna sya, ang payapa ng muka nya ang cute pa rin nya kahit tulog. Tinusok tusok ko ang pisnge nya ng makita ko syang dumilat laking gulat ko ng bigla syang bumangon huli na kung iiwas pa ko kaya nagkauntugan kame. Aww sabi ko habang hawak ang noo ko pero parang may kuryente akong naramdaman nung naglapat ang balat namen. Hahawakan nya sana noo ko pero umiwas ako.
Binigyan ko sya ng baon ko dahil mukang di pa sya naglulunch. Di pa sana nya kukuhanin ng marinig ko tumunog ang tyan nya.
Tiningnan ko sya ng sumubo sya ng kanin at ulam. Nagiwas ako ng tingin ng tanungin nya ko kung luto ko daw ba yun tumango lang ako actually nahihiya ko baka kase di masarap.
Natuwa ako ng sabihin nyang masarap ang luto ko. Naubos namen ang dala kong baon pero nagpaalam na din ako agad dahil may gagawin pa ko. Kinukuha ko yung baunan ko pero di nya binigay pumayag na lang ako.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?