CHAPTER TEN

7 0 0
                                    

EMBRACE POV

Sobrang saya naming lahat ng pumunta sa locker room kailangan na kase namen magbihis para makapag practice pa kahit konteng oras. Lahat ng nakakasalubong ko puro congrats ang sinasabi siguro naman nakabawi na ko kay ma'am Louise dahil sa pagkakapanalo namen. Gusto ko pala magsorry sa kanya personally para di na ko mailang pag andyan sya. Bibigyan ko din sya ng ticket para sa mini concert mamaya balita ko kase sold out na yung ticket.

Grabe pakiramdam ko parang namamanhid buong katawan ko sa sobrang lamig ng binuhos saken. Nagpaalam muna ko na pupuntang cafeteria para bumili ng kape nilalamig parin kase ako. Habang naglalakad ako nakita ko si ma'am Louise hinabol ko sya "ma'am Louise wait" tawag ko sa kanya. Nakita ko naman tumigil sya at tumingin saken yung muka nya parang nagtatanung kung bakit. Nung malapit na ko sa kanya ay may sumalubong saking grupo ng estudyante na gustong magpapicture at autograph. Di naman na ko makatanggi dahil nacorner na nila ko ng matapos ko lahat ang picture at autograph nilingon ko si ma'am Louise nadismaya ko dahil nawala na naman sya. Pinagpatuloy ko na lang yung paglalakad papuntang cafeteria baka kase hinahanap na din ako.

LOUISE POV

School fair ngayon kaya wala akong klase nainip ako sa office kaya lumabas ako naisipan kong maupo sa bench malapit sa cafeteria. Kinuha ko yung cellphone ko para may mapaglibangan man lang ako. Busy ako sa paglalaro ng cellphone ko ng maramdaman kong may tumabi saken di ko naman sya inintindi dahil baka madeads ako babalik na naman ako sa level 1. "Masyado kang seryoso jan ah" rinig kong sabi nung katabi ko pero tuloy pa rin ako sa paglalaro di naman siguro ako yung kausap nya.

"Ma'am Louise". Bulong nya saken

Nagulat ako sa ginawa nya halos lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay tumayo. Ramdam na ramdam ko yung init ng hininga nya sa tenga ko. Napalayo ako sa kanya.

"Mr. Rivera??" Gulat kong sabi sa kanya

"Hahaha nagulat po ba kita pasensya na di ko sinasadya masyado ka kaseng busy".sabi ni Light habang tumatawa.

"Mr. Rivera ano kelangan mo bakit ka nandito?. Pagtataray kung sabi kay Light

"Relax lang po actually ikaw yung kailangan ko gusto lang kita iinvite na manood ng game namen mamaya hintayin po kita don ma'am hah wag ka mawawala and one thing pala Light na lang masyadong formal eh wala naman tayo sa loob ng room."

Agad naman syang tumakbo after nyang sabihin yun. Wow hah di man lang hinintay yung sagot ko kung gusto ko ba o hindi manood ng game nila. Kahit di naman ako mahilig sa sports ay kailangan ko manood no choice na ko. Nakita ko si ma'am Jen na papuntang gym mukang manonood din sya kaya sumabay na ko. Dito kame pumuwesto sa bandang unahan para mas kita. Nakita kong kumakaway si Light kaya kumaway din ako katabi nya si Embrace ngayon ko lang narealize na kasali pala silang lima.

Fourth quarter na sobrang intense ng laban lamang kase ng dalawa yung kalaban nina Embrace. Sobrang kabado ako daig ko pa ang kasali sa team nila. Nakita kong pinasa kay Embrace ang bola tapos tumira sya sa three points napakagat labi ako habang nakatingin sa bola. Nagtatalon ako ng makita kong nagshoot yung bola ganito pala yung feeling pag nanalo yung gusto mong team. Halos lahat ng tao sa gym ay nagsasaya kaya lumipat kame ng pwesto naiipit na kase kame don. Nakita kong binuhat ng kateam nya si Embrace sobrang natutuwa ko sa kanila gwapo na magaling pa sa basketball. Aalis na sana kame ng magulat ako sa ginawa ng coach nila binuhusan nya lng naman ng tubig na may yelo si Embrace wow ice bucket challenge hahaha. Inaya na ko ni Jen palabas ng gym.

Dumaan ako sa office para kunin ang pera ko inaya kase ako ni Jen sa mall mamaya pa naman daw gabi ang mini concert kaya pede pa kame mamasyal. Naglalakad akong papuntang cafeteria ng tawagin ako ni Embrace. Lumingon ako sa kanya pero bago pa sya makalapit saken ay napalibutan sya ng mga estudyanteng gustong magpapicture at autograph. Bakit kaya nya ko tinawag. May humawak sa kamay ko at hinila ko palabas ng school si Jen pala.

LOVE ME OR HATE MEWhere stories live. Discover now