CHAPTER FORTY

2 0 0
                                    

EMBRACE POV

Naging maayos naman ang mga araw na pag mamanage ko ng business namen. Hindi man sa pag mamayabang pero kaya ko na maiwan magisa. Naging ok na din pala kame ni Avriel kaya lalo akong natuwa dahil natanggap na nya ang lahat. Iniinform ko lahat kina Light ang nangyayare kaya naging masaya din sila dahil magiging madali na daw ang lahat. May presentation ako ngayon para sa mga board of directors alam kong nagdodoubt sila sa kakayahan ko kaya ito na yung time para iprove ko yung sarili ko sa kanila.

Naging maganda yung flow ng presentation ko lahat ng tanong nila ay nasasagot ko. Nakita ko namang satisfied sila sa gawa ko kaya napatingin ako kay Avriel nag thumbs up naman sya kaya napangiti ako sa kanya. Narinig ko na lang na kinongrats nila ko lahat.

"Good job, shall we go?" Nakangiting sabi ni Avriel

"Let's go" at nginitian ko din sya.

Hindi na ko naiilang sa kanya kaya ok na saken na humawak sya sa braso ko. Ito yung Avriel na minahal ko at na miss ko ng sobra pero hanggang friends na lang kame dahil may mahal na ko.

"Ang galing mo kanina hah"

"Hahaha yan tayo ehh wala kang bilib saken" biro ko sa kanya habang nagddrive.

"Hahaha well ngayon meron na"

"Alam mo namiss ko yung dating ikaw"

"Hahaha baliw ka wag mo kong umpisahan dahil naka move on na ko"

"Hahaha yan ang gusto ko sayo" habang ginugulo ang buhok nya

"Huwag ka nga jan nakakainis ka" sabay irap saken.

"Hahaha sorry nakalimutan kong pwedeng guluhin ang buhay mo pero huwag na huwag ang buhok mo"

Nakita kong nagpout sya kaya mas lalo akong natuwa sa kanya. Ambilis pa rin nya mapikon.

Huminto kame sa isang mall at dumeresto sa isang Filipino restaurant. Alam kong namiss nya yung mga Filipino foods kaya dito ko sya dinala. Nakita ko naman na ngbago ang aura nya kung kanina medjo mabigat ngayon naman parang nagliwanag yung mata nya. Umupo na kame at umorder ng pagkain. Nakitang kong pumalakpak si Avriel ng ihatid ng mga waiter yung order namen. Oo MGA talaga kase andami nyang inorder yun bang parang bibitayin na sya bukas kaya magbabaon sya ng maraming pagkain.

"Kaya mo bang ubusin yan lahat?"

Tumango na lang sya dahil puno ng pagkain ang bibig nya. Napailing na lang ako sa kanya at kumain na din. Naalala ko nun first date namen dahil sa gusto nya daw maiba naman dahil napaka common ng lage na lang restaurant dinala nya ko sa mga bilihan ng mga fish ball at kikiam. Nun una ayaw ko talaga itry baka kase malason ako pero dahil na din sa kanya tinry ko na din masarap naman pala. Hindi din namen pinalagpas yung mga isaw, dugo, paa at tska balot. Lahat yun hanggang ngayon kumakain pa din ako pwera na lang sa balot hindi ko talaga kaya kainin yun makita ko pa lang yung sisiw goosebumps ang abot ko. Naiisip ko kase pag kinagat ko sya makakain ko din yung mga bituka nya. Napatingin ako sa kanya at natawa ko dahil hawak nya tyan nya.

"Ano kaya pa?" Nakangiting biro ko sa kanya

"Pabalot mo na to pwede ko pa yan makain bukas"

Ibang klase talaga tong babaeng to parang patay gutom. Tinawag ko na lang yung waiter para ipabalot yung natirang pagkain. Hinatid ko na sya sa condo nya dahil wala syang dalang sasakyan. Naisipan ko muna dumaan kina Louise dahil miss ko na sya. Huminto ako sa may di kalayuan bababa na sana ko ng makita kong papalabas si Louise ng bahay nya napataas ang kilay ko ng makita kong may kasama syang lalake. Sino yung lalake na yun ngayon ko lang sya nakita. Bumaba ko ng sasakyan ko at lumapit sa kanila. Nakita kong magulat si Louise ng makita ko.

"E-embrace"

"Hi good evening" nakangiti kong sabi sa kanya.

Kailangan kong ikalma kung ano mang nararamdaman ko ngayon.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Gusto lang kitang makita, hindi mo ba ko ipapakilala sa kasama mo" sabay tingin sa lalakeng kasama nya na masama din ang timgin saken.

"Ah sorry nakalimutan ko, Embrace si Earl, Earl si Embrace friend ko"

Aww friend daw kame ansakit naman non pero alam ko mas masakit pa dito yung ginawa ko sa kanya kaya I deserved this. Bumuntong hininga muna ko bago nagsalita.

"Hi nice meeting you"

Nilahad ko ang kamay ko para makipag shake hands sa kanya pero tiningnan lang nya ito. Abah may pagkamayabang din pala tong isang tao.

Narinig ko na lang na nagpaalam to kay Louise at humalik sa pisnge nya. Naginit ang ulo ko na parang lahat yata ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko. Gusto ko syang suntukin pero pinigilan ko sarili ko dahil baka mapasama naman ako kay Louise ayaw ko naman mangyare yon. Naiwan kameng dalawa pero wala pa din nagsasalita samen.

"Pasok na ko sa loob ah"

Tumango na lang ako sa kanya at pinagmasdan sya habang pumapasok sa bahay nila.

LOVE ME OR HATE MEWhere stories live. Discover now