LOUISE POV
Tapos na ang leave ko kaya kailangan ko ng pumasok ngayon. Medjo ok na din yung pakiramdam ko.
Pagkapasok ko pa lang sa unang klase ko ay naging maganda na ang araw ko. Namiss daw kase nila ako at namiss ko din sila. Discussion lang ang ginawa ko dahil almost a week din akong nawala kailangan humabol.
Lunch break na ng bumalik ako sa office nakita kong parang may tinitingnan sila sa table ko. Napakunot naman ang noo ko dahil wala naman silang dapat tingnan don. Lumapit ako sa kanila para masilip kung ano yung tinitingnan nila. Nakita kong may cake at bouquet of flowers na nakalagay sa table ko napangiti ako dahil stargazer yung flower. Nagkunwari akong umubo para makuha attention nila gulat na gulat naman sila ng makita ako nagsibalikan na din sila sa mga table nila. Pagkalagay ko ng gamit ko ay niyaya ko na si Jen sa cafeteria para kumain.
"Hindi mo muna ba titingnan kong kanino galing yon? Sabay turo sa flowers at cake
"Mamaya na lang gutom na ko eh"
Hindi naman na nangulit si Jen kaya pumunta na kameng cafeteria. Sa bandang unahan kame pumwesto kaya napapatingin ako sa table ng Fallen Voice naalala ko na naman sila. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko ng may dumating na maingay at nagtatawanan na grupo ng estudyante umupo sila sa tapat namen. Excited akong lumingon sa kanila pero nadisappoint ako ng wala yung gusto kong makita. Galit pa din naman ako sa kanya dahil pa fall sya at iniwan na lang nya ko sa ere pero dahil sa mahal ko sya gusto ko pa rin sya makita. Monday ngayon pero bakit nandito sila.
"Kamusta ma'am Louise at ma'am Jen?" Si Eirick
"Ito ok lang, bakit nandito kayo?"
"Hahaha alam mo ma'am Louise ang hard mo samen ayaw mo ba kame makita" si Grey
Hard agad paguupakan ko kaya tong mga to para nagtatanong lang eh.
"I mean di ba may pasok kayo?"
"Lunch out kame" si Light
"Namiss ka namen"si grey
After nung short conversation with them ay pumunta na kameng office naalala ko kase yung cake at flowers.
"Ehem parang alam ko na kung kanino galing yan ah" mahinang siko saken ni Jen.
Binuksan ko yung cake at binasa yung nakasulat. "SORRY AND BELATED HAPPY BIRTHDAY" kinuha ko naman yung flower dahil nagbabaka sakali akong may makitang card kong kanino galing to.
"Nakzz LQ ang peg" si Jen.
"Nakita mo ba kung sino ang nagdala nito dito?"
"Yung guard ang may dala nyan dito ibigay daw sayo hindi naman daw nagpakilala sa kanya"
Napaisip ako kung kanino galing to hindi ko kase matandaan kong pano nya nalaman na stargazer yung favorite flower ko wala naman kase akong nababanggit din sa kanya.
"Hayy alam mo kahit di mo sabihin, iniisip mo siguro kong kanino to galing noh pero feeling ko kay Embrace yan galing so obvious naman eh duhhh"
Mind reader na ba sya ngayon. Kung kay Embrace naman to galing handa naman ako patawarin sya eh.
"So sure ka kay Embrace yan galing?" Natatawa kong sabi kay Jen.
"Oo naman noh"
"Tikman mo nga"
"Hah bakit ako ehh sayo yan?" Pagtataka nyang sabi.
"Baka kase may lason mamatay pa ko jan ehh naniniwala ka naman kay Embrace yan galing so ikaw tumikim"
"Abat anong tingin mo saken parang daga sa mga gumagawa ng gamot na kapag may nadiscover ehh ituturok na lang at pag effective buhay kung hindi naman tsugi na"
Natawa naman ako sa sinabi nya dahil parang naging harsh ako sa kanya.
"Pero sige muka naman masarap sya"
Nakita ko na lang na kumuha sya ng icing at sumubo. Ako naman ito naghihintay kung ano magiging reaction niya. Nagulat ako ng bigla syang humawak sa dibdib nya na parang nahihirapan huminga agad naman ako lumapit sa kanya at hinagod ang likod nya. Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng bigla syang tumawa ng malakas.
"Hahaha Louise epic fail yun muka mo hahaha"
Ay walanghiyang babae to pinagtripan lang ako akala ko pa naman nalason na talaga sya. Kinabahan pa naman ako ng bongang bongga.
"Masarap sya hah mukang mamahalin" dagdag ni Jen.
Dahil wala naman palang lason yung cake ay pinaghatian namen lahat ito sa office.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?