EMBRACE POV
After ng nangyare ay naging office bahay na lang ako. Pina ban na din kase ako ni Steph sa bar nya. Si Light naman hindi nagrereply sa mga text ko kahit nga tawag di nya sinasagot eh. Sina Zecker, Grey at Eirick na lang ang kumakausap saken pero halatang galit din sila saken. Sa kanila ko din nalaman na dinala sa hospital si Louise ng gabi ding yun pinilit kong tiisin na wag pumunta dahil alam kong magkakagulo lang lalo pag pumunta pa ako. Para akong mamatay ng makita kong umiiyak sya dahil saken. Louise sorry para sayo din tong ginagawa ko.
Tinapos ko agad lahat ng gagawin ko gusto ko makita si Louise miss na miss ko na sya yung ngiti nya, yung boses nya.
Pinark ko ang kotse ko medyo malayo sa may gate ng Southeast University gusto ko syang makita kahit sa malayo lang. Halos dalawang oras na kong naghihintay pero wala pa rin si Louise. Bumaba ako sa kotse ko para tanungin ang guard nanlumo ako ng bumalik ako sa kotse ilang araw na palang di pumapasok si Louise. Pinaandar ko ang kotse ko at umalis na din.
Tumigil ako sa bahay ni Light at nagisip bago pumasok, bahala na kung ano mangyare.
"Ate Rhainne si Light po?"
"Wala sya dito kakaalis lang nya parang pupunta sya kina Louise birthday daw ata"
Nagulat ako sa sinabi ni Ate shit nakalimutan ko birthday nga pala ni Louise ngayon.
"Sige ate salamat alis na ko"
Halos liparin na ng kotse ko ang mall para makabili ng regalo. Bumili ako ng isang malaking dog na husky stuff toy sa blue magic. Favorite nya kase ang husky problema nga lang di sya makapag alaga nun dahil may allergy ang mama nya sa balahibo ng hayop. Pinabalot ko na din ito don at saka dumeretso sa bahay nila Louise. Nakita kong nakapark lahat ng kotse nila Light sa bahay nina Louise. Bumaba ako dala ang regalo ko matagal din akong nakatayo sa labas ng gate ng makita ko si Light.
"Light?" Tawag ko sa kanya.
Nakita kong lumingon sya saken pero nakakunot ang noo. Lumapit sya saken, magsasalita pa lang sana ko ng maramdaman ko ang kamao nya sa muka ko. Sa lakas ng suntok nya ay natumba ko sa may kotse ko nabitawan ko din yung regalo ko para kay Louise.
"Anlakas din naman pala ng loob mo para pumunta pa dito noh pagkatapos ng ginawa mo kay Louise may muka kapang maihaharap sa kanya"
Pinahid ko ang dugo sa labi ko bago tumayo.
"Please magusap tayo"
Nagsmirk lang sya bago pumasok na ulit sa loob.
Pinulot ko ulit yung regalo ko at binigay don sa batang naglalaro. Masayang masaya syang tumakbo palayo saken. Narinig kong nagring cellphone ko.
"Okay papunta na ko"
Mahal na mahal kita Louise. Happy birthday.
LOUISE POV
Nagfile muna ko ng leave dahil masama pa din ang pakiramdam ko hindi kase ako makakain ng maayos lage na lang akong walang gana sa lahat ng bagay. Pati nga birthday ko nakalimutan ko na kung di pa ko binati ng mga estudyante ko dati.
Magsisimba lang muna ko kahit lage akong nasasaktan kailangan ko pa din magpasalamat kay Lord na buhay pa din ako. Cheer up para sa mga taong nakapaligid at patuloy na nagmamahal saken. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko isang tao lang naman ang tumalikod saken masakit man pero kailangan tanggapin.
After kong magsimba ay namasyal muna ko sa mall. Hay kaloka wala man lang nabati saken kahit sina Faye, Shane, Steph, Anne at Fallen Voice kahit isa sa kanila wala. Kumain na lang muna ko sa isang fast food bago umuwi. Celebrating my birthday alone hay nagkulong na lang muna ko sa kwarto inaliw ko ang sarili ko sa panonood ng movie.
Madilim na ng lumabas ako ng kwarto nagugutom na kase ako. Hala bakit walang ilaw asan sila manang naputulan ba kame ng kuryente nagbayad naman kame ah. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan dahil madilim hindi ko makita ang daan. Paghakbang ko sa huling baytang ay bumukas ang buong ilaw kasabay ng confetti na sumabog saken.
"Happy birthday Louise" sabay sabay nilang sabi
Naiyak ako ng makita ko si Mommy, Daddy, Shane, Faye, Steph, Anne, Fallen Voice except kay hmmmm, at tska yung ibang estudyante ko. Nakakatuwa silang tingnan dahil may mga saklob pa silang suot yung pang birthday. Niyakap ko si Mommy at Daddy kala ko talaga nakalimutan na nila yung birthday ko.
"Tara na don para mablow mo na yung candle at makakain na tayo"
Ayun pinagsaluhan namen yung handa ko na hindi ko alam kong san galing at kung sino nagluto pero masarap naman sya. Marami din akong natanggap na gift. Hahaha nakakatawa yung gift saken ni Zecker baboy sya tapos may hairban sa ulo kay Steph naman ay two piece. After namen kumain ay nagpalaro pa sila ng pinoy henyo sumali ako kaso talo yung estudyante ko dati ang nanalo. Nagsialisan na yung iba kung bisita sina Steph na lang ang natira iinom pa daw kase sila ok lang naman kila mommy na maginom ako eh legal kumbaga. Si Steph ang naghalo ng inumin namen brandy sya na hinaluan ng pineapple juice at gatas first time kong makatikim neto masarap pala parang juice lang.
"Salamat sa surprise" sabi ko sa kanila habang pinipigilan ang luha
"Hahaha dapat pala crying lady na lang tawag ko sayo" si Eirick
Tapos nagtawanan sila lahat.
"Hahaha abah loko ka ah baka gusto mong upakan kita" sabay pakita ng fist
"Hahaha sadista ka pala ma'am" si Grey
"Hahaha hayaan nyo na birthday ko ngayon pagbigyan nyo na ko"
"Hahaha sige di na kame magside comment ituloy mo na speech mo" si Zecker
"Ayun uulitin ko kung sino man nakaisip neto maraming salamat tska sa mga tumulong para maging successful tong surprise nyo saken maraming salamat dahil masurprise talaga ko"
Isa isa ko silang nilapitan para yakapin. I'm so blessed to have them.
Mga 10pm ay umalis na din sila.Masayang masaya kong humiga sa kama ko kala ko kase ordinary day lang tong birthday ko pero dahil sa kanila naging so much special.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?