EMBRACE POV
Huminto kame sa isang cave maganda daw kase sa loob non. Isa isa kame bumaba sa yacht syempre inalalayan ko si Louise ayaw ko kase mailang sya dahil don sa nangyare.
Pagpasok namen sa cave maraming magagandang rock formation ang bumungad samen sayang nga lang dahil hindi daw pwede magpicture. Lumusong kame sa parang Jacuzzi style pabilog sya tapos mainit din yung tubig nakakarelax medjo malalim din sya kaya masarap maglangoy. Nakita ko si Louise na nakaupo lang sa gilid habang nakalubog yung paa sa tubig. Sumisid ako papunta sa kanya at saka hinila yung isang paa. Kahit nasa ilalim ako ng tubig ay rinig na rinig ko ang malakas nyang sigaw. Nakita ko syang nakayakap sa isang malaking bato habang tumatawa sina Steph.
"Hahaha Louise di ko akalain matatakutin ka pala" si Anne
Mangiyak ngiyak na lumingon si Louise pero nakayakap pa din sya sa bato.
"Huhu kase naman naiimagine ko baka may crocodile or shark dito baka kagatin ako"
Natatawa talaga ko sa kanya ang sexy nya pero para syang bata na iiwanan ng ina.
"Wala ditong crocodile o shark masyado ka kaseng nanonood ng movie kaya yun naiisip mo, magbabad ka dito masarap sa pakiramdam" Si Steph
"Ayaw di ako marunong maglangoy"
"Ayun kaya pala halika dito ako bahala sayo" aya ko sa kanya.
"Tse ayaw ko nga baka lunurin mo ulit ako" sabay irap
"Sorry na pati di naman kita nilunod eh hinigit ko lang paa mo, tuturuan kita maglangoy"
"Talaga?"
"Yap kaya halika na dito"
Bumitaw na sya sa may bato at lumusong sa tubig. Nagpanic sya dahil wala daw syang maapakan na kahit na ano kaya nilapitan ko sya. Yumakap sya saken kaya almost an inch na lang ang pagitan namen. Napangiti ako ng marealize ko ang position namen.
"Hey bakit ka tumatawa tinatawanan mo ko noh" sabay saboy ng tubig saken.
"Pag tumatawa ikaw agad di ba pede masaya lang"
"Ehh bakit masaya ka dahil ba saken?"
"Ehh kung sabihin kong oo"
Nakita kong nagblush sya sa sinbi ko ang cute talaga.
"Tse turuan mo na ko maglangoy sayang ang oras"
"Yes boss" sabay salute
Madali naman pala syang turuan naiiwan ko na syang magisa di ko na kailangan hawakan pa. Nagbabad lang kame ng konte pang oras at umalis na din.
LOUISE POV
Huminga ako ng malalim at tinaas ang dalawang kamay gusto ko ifeel ang fresh air minsan lang to sa isang taon susulitin ko na. Nakakatuwa lang dahil di lang bakasyon ang nangyare natuto pa kong maglangoy salamat talaga sa kanya kahit muntik na kong atakihin kanina sa puso dahil sa ginawa nya. Sweet at caring pala sya feel ko nung tinuturuan nya ko.
Hay totoo kaya yung sinabi nya kanina na masaya sya dahil saken. Sana totoo yun parang nahuhulog na ko sa kanya talaga oo gusto ko sya kaya nga sya yung hinalikan ko pero erase erase hindi maaari mali to estudyante ko sya teacher nya ko baka mawalan ako ng license hindi pwedeng mangyari yun. Kailangan ko ng pigilan kung ano tong nararamdaman ko baka kase sa huli ako na naman ang talo. Ayoko ng umiyak dahil sa lalake sana yung magiging boyfriend ko in the future sya na yung forever ko. Natatakot na kase talaga ko magmahal ayaw ko na maulit yung nangyare samen ni Earl.
Dumeretso na akong cottage ng makarating kame sa resort. Gusto ko kaseng matulog napagod siguro ko sa paglalangoy kanina. Nagshower muna ko at nagblower ng buhok bago humiga. Anlambot ng kama ang sarap humiga bumigat na ang mata ko at nakatulog na din.
YOU ARE READING
LOVE ME OR HATE ME
Random"Mamahalin ba nya ko sa desisyon ko o kakamuhian nya ko sa gagawin ko" Do you know that your love is the sweetest sin?