CHAPTER THIRTY ONE

4 0 0
                                    

EMBRACE POV

Lungkot at saya ang nararadaman ko ngayon. Lungkot dahil pauwi na kame hindi ko na makakasama si Louise though makikita ko pa din naman sya iba pa din yung magkasama kame sa bahay Masaya dahil pumayag naman sya na ligawan ko sya parang nanalo ko sa lotto ng pumayag sya. Gagawin ko lahat maiparamdam ko lang sa kanya kung gano ko sya kamahal at hindi ko sasayangin yung binigay nyang chance saken.

Nailagay na namen lahat ang gamit sa van. Tumabi ko kay Louise sympre kailangan pa bang imemorize yon. Picture picture kame habang nasa Van me kantahan din para hindi namen maramdaman ang mahabang byahe.
Nag stop over muna kame sa isang mall sa tagaytay para kumain. Gusto sana namen mag sky ranch pero next time na lng baka kase gabihin kame sa daan. Nagpahinga muna kame don ng ilang oras at umalis na din.

Naginat inat ako ng makababa kame sa Van nandito na nga pala kame sa bar ni Steph dito kase namen iniwan yung mga kotse namen. Nauna ng umalis si Grey dahil hahatid pa nya si Anne sa bahay nila. Si Light naman ay nagpaalam na din dahil dadaan daw muna sya sa ate nya. Si Zecker ayun magpapaiwan daw muna dito kasama si Steph hahaha pagbigyan na masyado ng obvious eh. Kame naman ni Louise ito ihahatid ko din sya hindi nya daw kase dala kotse nya. Pabor naman saken yun dahil makakasama ko pa sya. Matagal ding walang nagsasalita samen ng basagin ko ang katahimikan.

"Masaya ka naman ba?"

"Super saya ko promise"habang ngiting ngiti

Natuwa naman ako dahil kita naman sa muka nya na masaya nga talaga sya.

"San ka magoojt?" Tanong nya saken na parang may lungkot sa boses nya

Traffic naman kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Bakit mamiss mo ba ko?"

"Wow ah nagtanong lang ako kung san ka magojt miss agad"

"Hahaha bakit hindi ba? Ouch naman yon" sabay hawak sa puso

"Manahimik ka nga jan, yung seryoso kase"

"Sa company namen para maging familiar na saken yung environment pero wag ka magalala bibisitahin pa din kita sa school ARAW ARAW"

"Talaga?" Nakangiti nyang sabi

Tumango lang ako sa kanya. Nakita kong kinagat nya ang lower lip nya.

"Wag ka magpapaligaw kahit kanino ah gusto ko ako lang manliligaw sayo" mukang nagulat sya sa sinabi ko dahil di agad sya nakapagsalita.

"At bakit naman?" Sabi nya habang nakataas ang kilay

"Syempre hindi kita mababantayan eh mahirap na baka malamangan ako"

"Wala naman nanliligaw saken ehh ikaw lang yung nagkamali natatakot nga ko ehh baka mamaya bigla ka na lang maumpog at bawiin mo lahat yung sinabi mo saken"

"Hahaha sa ganda mong yan ewan ko na lang talaga"

Nakarating na kame sa bahay nila.

"Hindi mo lang ba ko papasukin?"

"Hahaha wag na next time na lang pagod ka uwi ka na para makapag pahinga kana"

"Ayiie concern yung mahal ko I love you" sabay nguso

"Hahaha muka mo alis kana shuuuu" taboy nya saken.

"Aww walang balik pero ok lang maghihintay ako"

Pinapasok ko muna si Louise sa loob ng bahay nila bago ko umalis.

Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si mommy humalik muna ko sa kanya. Magbihis ka muna may paguusapan tayo rinig kong sabi nya.

"Ano po yun mommy?"

"Diba sa Monday start na ng OJT mo ibibigay ko na sayo yung isang business naten"

"But mom OJT pa lang yun bakit naman ibibigay nyo na agad saken yun"

"Don't worry hindi ka naman magisa magpatakbo nun dalawa kayo matutulungan ka nya"

"Dalawa? Sino naman sya?"

"Makikilala mo din sya bagong business partner naten sigurado akong magkakasundo kayo "

Napailing na lang ako sa sinabi ni mommy. Nagpunta na din ako kwarto para makapag pahinga.

LOVE ME OR HATE MEWhere stories live. Discover now