Page 1

2.9K 68 6
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Sa kabilang bayan? Sa kabilang deminsyon? Ewan, hindi ko alam.

Alas tres na ng madaling araw, umuulan at wala na akong mga taong nakikita maliban na lang sa mga sasakyang dumadaan sa malapad na kalsadang nasa harapan ko.

Wala akong ibang naririnig kundi ang pagpatak ng ulan sa bubong ng waiting shed na sinisilungan ko ngayon. Kasabay naman ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng mga luha mula sa mga mata ko. Tila nakikiramay ang panahon sa aking nararamdaman. Malungkot. Sobrang lungkot.

Alas tres na ng madaling araw, madilim ang paligid at tanging kulay lilang ilaw na nagmumula sa mga poste nasa gilid ng kalsada ang nagbibigay liwanag sa malungkot na kalsadang nasa harapan ng waiting shed na sinisilungan ko.

Bagama't natatakot ako ay pinipigilan ko ang sarili kong makaramdam ng pagkalito. Gusto ko mang tanungin ang sarili ko kung paano ako napadpad sa lugar na ito ay wala talaga akong maalala.

Sa oras na 'to, patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang kahabaan ng daan, nagbabakasakaling may dumaan pang sasakyan na pweding sakyan ko pauwi. At hindi nga ako nagkakamali, isang bus ang huminto sa harapan ko, dali-dali akong sumakay dito kahit 'di ko alam kung saan ako hihinto. Oo, hindi ko alam. Wala akong alam sa kadahilanang wala akong maalala.

Napatingin ako sa loob ng bus, halos puno na ang mga upuan maliban sa pangatlong upuuan mula sa likuran ng driver' seat kung saan nakaupo ang isang lalaking nakasandal sa may bintana ng bus.

Mukhang tulog na tulog na ang lalaking iyon ngunit hindi rin ako siguradong natutulog ba s'ya dahil natatakapan ng shades ang kanyang mga mata.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon