Page 3

1.7K 53 5
                                    

"Salamat," pagpapasalamat ko sa kanya.

Nagkatagpo ang mga mata naming dalawa. Nginitian niya ako kaya ganun rin ang ginawa ko sa kanya.

Ang bait nya sobra, he's a stranger pero parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. At bukod pa dun, I admit na ang guwapo niya. Maputi siya at malaman. Mukhang matangkad din siya. Kulay itim ang kanyang buhok at nakapa-ganda ng ngipin niya. Pantay na pantay. Tapos, ang bango-bango niya pa. Napaka-masculine ng amoy niya. Hindi ko maiwasang i-compliment siya.

Bago ako bumaba, nakita kong ngumiti lang sya at nag-wave ng kamay sakin.

Umalis na 'yung bus at naiwan akong nakaupo dito sa may waitng shed.

Medyo nakaramdam ako ng konting kaba dahil napag-tanto kong ito 'yung parehong waiting shed kung saan ako nanggaling kanina. Paanong nangyaring dito ako ibinababa ng bus kung dito rin naman ako sumakay? O baka guni-guni ko lang 'to at baka ibang waiting shed na pala 'tong kinauupuan ko. Pero hindi e, sigurado akong ito 'yung waiting shed kung saan ako nanggaling kanina.

Napahing ako ng malalim. Umuulan na naman at nakakaramdam na naman ako ng konting ginaw. Wala akong ibang magawa kundi ang umupo dito at hintaying dumating ang umaga. Hindi ko rin naman alam kung saan ako uuwi, wala akong ibang natatandaan bukod sa pangalan ko.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon