Page 10

706 21 1
                                    

Binuksan ko ang pendant watch at bumuhos ang luha ko sa nakita ko sa loob nito. Nakita ko ang picture ni Richmond at picture ko na may nakalagay na... "HAPPY ANNIVERSARY!"

Nang mabasa ko ang dalawang katagang iyon ay biglang sumikip ang dib-dib ko hanggang sa mawalan ako ng hininga.

Naalala ko na ang lahat...

"Gwen ? Gwen?" Narining ko ang boses ni Richmond na tila ginigising ako.

"Happy Anniversary" then he kissed me.

Inilagay n'ya ang isang pendant watch sa leeg ko. Bigla akong nanibago sa senaryong nakita ko. Buhay ako at buhay si Richmond.

"Richmond!" Napayakap ako kay Richmond. Buhay kami. Buhay na buhay!

"Is it beautiful?'' Kumalas siya at tumingin sa pendant watch na isinuot niya sa leeg ko. Tumango ako bilang sagot.

"Aren't you afraid na tatakas tayo?" tanong niya. Nginitian ko lang siya bilang sagot at napahawak na lang sa tiyan ko.

"Baby? Naririnig mo ba si Daddy?" tanong ni Richmond habang kinakausap ang baby sa loob ng tummy ko. Oo, I'm three months pregnant at tumakas lang kami ni Richmond sa kadahilanang ayaw ng mga magulang ko sa kanya at ang mas malala ay gusto nilang ipaglalaglag ang baby ko dahil malas daw ito.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon