Page 4

218 12 0
                                    

"Miss? Is it okay kung makiki-share ako ng table with you? Hey Miss?" nahinto ako sa pagbabaliktanaw at nabalik sa reyalidas nang may isang matipunong lalaki na naka naka-blue oriole shirt ang lumapit sa'kin. Nakangiti siya at dahil sa ngiting iyon ay nakaramdam ako ng matinding pagkailang.

"Sige. Okay lang, " sabi ko at umupo siya sa harapan ko matapos akong sumang-ayon. Kinain niya agad ang spaghetti sa tray plate niya. Hindi ko alam kong gutom ba siya o nagmamadali lang kasi takot siya sakin pero, naiilang talaga ako sa bilis ng pagkain niya.

"Gusto mo?" Inabot niya sa'kin ang isang burger sa tray niya. Umiling-iling ako bilang pagtanggi.
Kumain narin ako at di-neadma na lang siya. Habang kumakain ako, nagulat ako ng bigla siyang magsalita, "Ang ganda mo pala."

"Ha?" habang may ngi-nguyang pagkain ay napatingin ako sa kanya.

"I said, ang ganda mo pala." pag-uulit niya at tapos kinamot niya yung buhok niya na tila ba nahihiya.

"Hey? I'm Jorge," inabot niya ang kamay niya sakin at dahil sa matinding pagkailang ay agad akong ininum ang drinks ko at naglakad palabas ng canteen. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Haa. Mali to! Isang pagkakamali.

Makalipas ang isang araw, muli na naman kaming nagkita ni Jorge. Kaso, hindi sa loob ng university kundi sa isang department store. Isa siyang bagger.

Nagmadali akong lumabas ng department store pero napahinto ako nang biglang may sumigaw ng pangalan ko, "Catherine!"

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon