Page 9

197 9 1
                                    

"Pero Jorge, mahal rin kita. Ayoko rin naman na iwan mo ako."

"But I'm willing to die for you." Nahinto ang oras ko nang marinig ko mula iyon kay Jorge. Bagamat sweet ay naiinis ako.

"Jorge! Ano ba! Huwag mo ngang sabihin yan!" sigaw ko sa kanya.

"Totoo naman e. Handa akong magpakamatay para sa'yo," tumayo ako nang sabihin niya iyon, naglakad ako palayo pero nahuli niya ako at niyakap mula sa likod.

"Pero mas maganda kung walang mamamatay sa'ting dalawa diba?" tugon ko sa kanya at doon natapos ang pag-uusap namin.

Masaya akong hinatid ni Jorge sa apartment na tinutuluyan ko. May trabaho siya sa gabi kaya nagawa niya akong ihatid. Bago siya umalis ay nanghingi siya ng isang halik. Nag-atubili ako nung una pero pinagbigyan ko ang simpleng hiling niya.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon