Page 5

1.6K 55 10
                                    

Pinagmamasdan ko lang s'ya ngayon, nakatingin lang sya sa malayo.

Naapangiti ako. His eyes were full of happiness. He's like an angel.

"Ganyan ba talaga ako ka-gwapo para titigan mo ng ganyan?" Sa sinabi n'yang 'yun ay iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya, yumuko ako ng bahagya nang sagayon ay hindi nya makita ang namumula kong pisngi. Nakakahiya.

"Okay lang 'yun, sanay naman akong tinititigan ng matagal eh, by the way I'm Richmond Ong at ikaw? Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"G-Gwen Lopez," sago ko sa tanong habang nakayuko, kinuha n'ya ang kanang kamay ko at nakipagkamayan siya sakin.

"Sige Gwen, nice meeting you, una na ko ha?" 

"S-sige." Tumayo na sya. Naglakad ng kaonti at pumara sa bus na papalapit sa direksyon n'ya.

Nang tuluyan na siyang makasakay ay nakaramdam ulit ako ng lungkot. Mag-isa na naman ako sa waiting shed na 'to. Nakakalungkot lang talaga.

Umuulan ngayon at naisip ko bigla si Richmond.

Sino kaya s'ya? Ang bait n'ya naman yata para ibalik sa'kin ang sirang pendant watch ko.

Napatingin ako sa pendant watch ko. Nakaturo ang malaking kamay sa twelve at ang maliit naman na kamay ay nakaturo sa three. Alas tres.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon