Page 8

197 9 0
                                    

Anong nagustuhan mo sakin?" tanong ko kay Jorge. Nakaupo kami ngayon ground ng university, nakatingin sa mga tala.

"Bukod sa maganda ka, mysterious ang dating mo sa'kin." sabi niya at ngumiti siya sa akin.

"Mysterious? Sa paanong paraan?"

"Hmmm." ngumiti siya at tumitig sa'kin. "Yung mga mata mo." sagot niya.

"Nakikita ko kasing palagi kang natatakot. Natatakot ka maging masaya. At higit sa lahat, natatakot kang magmahal." usal ni Jorge.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa, hanggang sa pinili kong kitlin ang katahimikang iyon.

"Jorge, natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari. Jorge, hindi ko na kaya," di ko namalayan, may tumulo na palang luha sa kanang mata ko. Lumapit si Jorge sa'kin at binura ang luhang iyon sa pamamagitan ng kanyang kamay.

"Catherine, there are just things na hindi natin kayang kontrolin. Like death. Hindi ikaw o ang sumpa ang nakakapag-desisyon nun. Only God has the capacity to control it. Kung mamamtay man ako, hindi mo magiging kasalan yun. If it's God's will? Bakit hindi? At least, walang sumuko sating dalawa. Papatunyan ko yan sa'yo." sabi ni Jorge sakin.

"Alam mo ba kung ano ang pinamasakit na ending?" dagdag niya.

"Hindi yung katulad sa titanic na namatay si Jack at naiwang mag-isa si Rose. Kasi sa ending na iyon, napatunayan ni Jack at Rose kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ang pinakamasakit na ending ay yung tipong iiwan mo ako sa ere kasi natatakot kang mawala ako. Mahal kita Catherine, sana 'wag mo'kong iwan. Please?"

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon