Page 1

269 20 0
                                    

"She's really a weird girl."

"Why? Mukha naman siyang presentable ah? She's even pretty. I think she's not weird."

"Nope. She is weird. Lahat kasi ng lumalapit sa kanya, nadidisgrasya. At ang mas malala, namamatay. Do you know Joe?"

"Yeah yung varsity player namatay last year?"

"Exactly! Namatay siya after 3 months of girlfriending that girl!"

"What? Tara na nga. She's so creepy pala e." umalis ang dalawang babae sa table nila na nasa tabi ng table ko. Yumuko ng kaonti dahil sa kahihiyan. Maraming tao ang nakarinig sa usapan nila kaya ang resulta... pinagtitinginan nila ako.
Si Joe. Ang varisty na naging boyfriend ko dati. Namatay siya nung oras na magkasama kami. May biglang bumaril sa kanya. Nagmaka-awa ako at humingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa'min pero walang lumapit. Lahat natakot. Pinagtinginan lang kami ni Joe. At dahil dun, namatay si Joe sa bisig ko.

Dati, botong-boto ang nanay ni Joe sa'kin pero nung nalaman niyang may sumpa pala akong dala-dala ay nagkamuhi bigla ang nanay ni Joe sa'kin.

Nung una, ayaw kong maniwala sa sumpang sinasabi nila. Pero, mismong sarili ko ay sumuko narin. Tama ang sabi nila. May sumpa nga ako. Kung paano ako naniwala? Ganito ang nangyari...

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon