Page 11

261 13 0
                                    

Sa tulong ng posporo, sinindihan ko ulit yung kandila. Nung lumiwanag na, agad kong idinikit ang mga daliri ko sa keyboard. I was about to type something nang maramdaman ko ang isang malapot na liquid sa fingers ko galing sa keyboard at napasigaw na lang ako nang makita ko ang maraming dugo.

"Tulong! Tulong!" napaiyak ako ng di oras, pero bigla akong natauhan nang tumunog ang speaker ng computer ko. May nag-mesaage sa facebook. Si Axel.
Napatingin rin ako sa keyboard, wala naman palang dugo. Haay. Hallucinations.

<*Okay. Tyo na ulit. Pero 'wag mo na akong iwan ha?*> sagot ni Axel sa message ko. Halos tumalon ako sa tuwa at napa-yakap pa ako sa monitor.

<* Thank you Axel! I love you*> nagreply ako kay Axel.

Afterwards, bigla akong napatingin sa phone ko nang biglang nag-call si Mitchie, yung bestfriend kong cousin ni Axel.

"Aya?" kinakabahan ang boses ni Mitchie kaya pati ako, kinabahan narin.

"Mitchie? Bakit?" tanong ko.

"Aya? Huwag kang mabibigla ha? Si Axel..." pagkabanggit ni Mitchie sa pangalan ni Axel sa kabilang linya ang biglang humangin ng malakas. Nagsitayuan ang mga balahibo ko.

"Bakit? Anong nangyari kay Axel? Kaka-reply lang niya sa'kin sa facebook." kinakabahang sagot ko.
"Ano? Nag-reply sa'yo si Axel?" napasigaw si Mitchie sa kabilang linya. "Kailan pa?" dagdag niya.

"Ngayon lang," sagot ko habang nakahawak sa mouse at nakatingin sa monitor.

"Aya, si Axel, patay na." nang sabihin iyon ni Mitchie sa kabilang linya ay biglang humangin ng malakas na siyang naging dahilan upang mawala ang apoy ng kandila na nasa tabi ng monitor. Biglang sumagi sa isip ko yung oras na may nakita akong anino na sa loob ng kwarto ko na animoy nag-t-type sa keyboard ko. Hindi kaya si......Axel yun?

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon