Page 13

647 21 4
                                    

"Isang bus ang nabangga sa daang ito. Nagkalasog lasog ang katawan ng driver at bukod pa doon ay patay rin ang dalawang magkasintahan na natagpuan sa loob ng bus."

Magkahawak kami ng kamay ngayon ni Richmond habang tinitignan ang mga nagkakagulong reporters, mga pulis, at pati na ang mga pamilya namin ni Richmond. Umiiyak sila. Nagsisisi. Pero bakit ganito? Ba't wala kaming maramdaman? Bakit ni katiting na awa ay walang lumalabas mula sa amin? Ganito ba ang pakiramdam ng isang patay?

"Tayo na." Hinawakan ni Richmond ang kamay ko at sabay kaming naglakad sa papunta sa puting liwanag.

Mahiwaga ang oras na Alas Tres.

Sa oras na ito, madalas naglalakbay ang kamatayan.

Madalas niyang kinukuha ang buhay sa oras na ito.

At sa kasamaang palad, isa ang buhay ko at ang buhay ni Richmod na napili n'yang kunin sa oras na...

ALAS TRES.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon