Page 13

215 11 0
                                    

"Catherine! Hindi! Hindi 'to pwede. Nangako ka! Nangako ka!" kitang kita ko kung paano magsumamo si Jorge. Kitang kita ko kung paano siya lamunin ng kalungkutan, kung paano niya pinilit paniwalain ang sarili niya na buhay pa ako, kung paano niya tinangkang kitlin ang buhay niya. Lahat kitang-kitang ko at wala akong ibang magawa kundi yakapin siya sa mga oras na iyon.

Kitang kita ko ang lahat, lahat ng pangyayari sa buhay niya simula nung nawala ako hanggang sa kung paano siya bumangong muli...

*After 4 years*

"Catherine..." nandito si Jorge ngayon sa harap dalampasigan. Ang mismong dalampasigan kung saan ako nawalan ng buhay.

Ito rin ang pinakaunang pagkakataon kung saan pumunta rito si Jorge sa loob ng apat na taon. Natatakot kasi siyang pumunta rito at baka maalala niya lang ang sakit kung paano ako nawala.

"Catherine, I hope you're happy wherever you are right now." yumuko si Jorge. Naikuyom niya ang kamo niya. Pinipigilan ang nararamdamang sakit.

"Jorge..." lumapit ako sa kanya, hinaplos ko ang kanyang pisngi kung saan dumadampi ang sinag ng palubog ng raw. Di ko namalayan, naiyak na pala ako habang pinagmamasdan si Jorge.

"Masaya ako. Masaya ako para sa'yo Jorge," nang sabihin ko iyon ay biglang tumagas ang isang butil ng luha mula sa kanang mata ni Jorge, nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Makalipas ang ilang sandali ay kumalas ako at kagaya ng dati ay tumabi ako sa kanya at idinantay ko ang pisngi ko sa balikat niya.
Nanitili kami sa ganoong posisyon habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sa 'di ko mabilang na pagkakataon ay muling bumuhos ang mga luha ko. Luha ng kaligahayan...

"Babe," napalingon si Jorge nang may babaeng nagsalita mula sa likuran namin.

"Jorge, it's 3:49pm hindi ka pa  ba papasok? The visitors for our wedding are still waiting. Aren't you coming inside?" dagdag nito.

"Jorge? Are you okay?" tanong ng babae kay Jorge.

"Nandito siya babe,"  sumagot si Jorge at agad namang lumapit sa kanya ang babae at inirolyo ang kanyang kamay sa braso ni Jorge. Nalungkot bigla ang babae. Sa palagay ko ay alam ko na kung sino ang babaeng ito.

"Pwede bang pakisabi sa kanya na thank-you?"

"Sa tingin ko, naririnig niya tayo." nagkatinginan si Jorge at ang babae sa isa't-isa.

"Sa tingin mo? Papakinggan n'ya kaya ako?" tanong ng babae, "Just try." sagot ni Jorge.

"Catherine, alam mo bang magkapareho tayo ng pangalan? Katherine din ang pangalan ko. Hehe. Yun nga lang, K at hindi C ang simula. Catherine, nagpapasalamat ako sa'yo kasi napakadakila ng ginawa mo kay Jorge. Though, hindi ako naniniwala sa curse, pinatuyan mo parin kung gaano mo siya ka-mahal. Alam kong mahal na mahal mo si Jorge Catherine, at sana hayaan mo rin akong mahalin siya," nang sabihin iyon ni Katherine ay agad akong lumapit kay Jorge, inilagay ko ang parehong kamay ko sa balikat niya, itinaas ang parehong paa at hinalikan siya noo.

"Pumapayag ako. Pumapayag ako Jorge. Basta't masaya ka lang, okay lang sa'kin." kumalas ako sa pagkakahawak kay Jorge at makalipas ang ilang sandali ay naramdaman ko ang puting liwanag na dumampi sa aking balat at dahan-dahan ay nawala sa paningin ko si Jorge at Katherine.
Sa huling pagkakataon ay naaninag ko bigla ang masayang mukha ni Jeorge.
Napangiti ako nang makita koang ngiti ni Jeorge.
Masaya na ako kasi... dito natatapos na ang kwento ko...

....na siyang pagsisimula ng panibagong buhay ni Jorge.

At lahat ng ito ay nangyari sa oras ng

ALAS TRES.

Lahat siguro tayo may depinisyon ng salitang pag-ibig, iba-iba, makulay at malalim. Pero para sa'kin, mababaw lang ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa'kin, ang tunay na pagmamahal ay katumbas ng salitang pagpaparaya. Handa kang magsakripisyo sa ikasasaya ng taong mahal mo. At sa palagay ko, napanindigan ko ang depinisyong iyon. Napanindigan ko iyon sa taong mahal ko. Yun ay si Jorge.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon