Page 2

2.1K 50 9
                                    

Umupo ako sa tabi nya, gusto ko sana s'yang kausapin pero nagdadalawang isip ako.

Dahil sa matinding pagod ay napasandal ako sa balikat nya at 'di ko namalayan na napahimbing na pala ako sa pagtulog.

Sa pagtulog ko, wala akong ibang naiisip liban sa kung ano ba talaga ang nangyari sa'kin. Basta ang alam ko lang ay nagising na lang ako sa isang waiting shed na umiiyak at bukod pa room ay wala na akong iba pang maalala.

"Miss? Miss! Hey wake up?" Nagising ako mula sa pagkakaidlip nang may narinig akong boses sa gilid ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang guwapong mukha ng isang lalaki.

"Miss? Saan ka ba hihinto? Alam mo bang tayo na lang ang natitirang pasahero sa bus na'to?" Napalingon ako sa likuran at nakumpia konf wala na ngang ibang pasahero liban sa aming dalawa. Kinabahan ako.

"Dito lang po ako!" pasigaw kong sabi sa driver. Inihinto n'ya naman ang bus sa tapat ng isang waiting shed.

Kinapa ko ang bulsa ko, pero wala itong lamang pera. Patay? Pa'no na 'to? Wala akong pambayad.

"Uh, miss. Sige mauna ka na, ako na lang ang magbabayad para sa'yo," sabi ng lalaking katabi ko at binigyan niya ako ng matamis na ngiti na naging dahilan upang makaramdam ako ng gaan ng loob.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon