Page 11

184 9 0
                                    

Kinabukasan, takang-taka ang mga nurses pati na ang mga doktor kung paanong namatay si Nurse Manolo.
Akala ko paghihinalaan nila ako pero hindi iyon nangyari, mas pinaghinalaan nila ang isang babaeng baliw na nakakulong sa tabi ng selda ko nang umaming siya raw ang pumatay kay Nurse Manolo. Sa 'di mabilang na pagkakataon ay napatawa ulit ako na parang demonyo.

"Thea? Sabihin mo sa'kin ang totoo? May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Nurse Manolo?" tanong ni Doktora Shaina. Nandito kami ngayon sa balcony at kagaya ng dati ay hindi ako sumagot sa mga tanong ni Doktora Shaina basta't si Nurse Manolo ang pinag-uusapan.

"Is Thea here?" biglang napalingon si Nurse Shaina nang may tumawag sa pangalan ko. Bigla kong naikuyom ang mga palad ko nang napagtanto ko kung kanino ang boses na iyon. Ang boses ng mommy ni James. Ang mismong demonyitang ina ng boyfriend ko na siyang nagpasok sa'kin dito sa loob ng mental kahit pa...noong mga oras na iyon ay hindi pa naman talaga ako nababaliw.

"Thea!" akmang yayakapin na sana ako ng babaeng iyon nang bigla ko siyang itinulak na siyang naging sanhi upang mapahiga siya sa semyento.
Agad namang lumapit Doktora Shaina, "Okay lang po ba kayo?"

"I'm okay, just don't mind me iha."

"I'm really sorry ma'am but it seems that Thea did not yet recovered for what had happened 5 days go. Pasensya na po ma'am but we can't allow you to have a conversation with Thea. We're afraid that you might stressed her if you'll push yourself through her. I hope you'll understand ma'am," in-explain ni doktora sa demonyong ginang na iyonang lahat. Tumingin ang ginang na iyon sa'kin at binigyan ko siya ng nakakasindak na tingin. Sa likod ko ay hawak-hawak ko ang isang patalim.

Sayang hindi ko siya na-saksak.

**
Kinagabihan ay napagdesisyonan kong tumakas sa mental hospital na iyon. Binasag ko ang fire alarm na siyang naging sanhi upang magkagulo ang loob ng mental hospital. Agad akong tumakas at tumalon sa balcony. Pinlano ko na ang lahat ng ito matagal na panahon na ang nakalipas at ngayon, dumating na nga ang oras.
Habang naglalakad ay napadaan ako sa isang simbahan na kahit gabi na ay meron paring ginagawang seremonya. Isang sanggol ang binibinyagan sa loob ng simbahan na siyang nag-udyok sa'kin na pumasok sa loob.

"Sino ang babaeng yan?"

"Ba't ganyang suot niya? Galing ba siya sa mental?"

Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nila basta't ang gusto ko lang at ay makita ko ang sanggol na binibinyagan.

Sa may altar ay agad kong nakita ang sanggol.

"Baby..." umiiyak na usal ko nang masilip ko ang mukha ng sanggol na akay-akay ng kanyang ina.

"Gusto mo bang makarga?" tanong ng ina sa'kin.

"Honey? Nababaliw ka na ba?" bulyaw ng kanyang asawa.

"Honey! Tignan mo nga siya, parang gusto lang niyang makarga yung baby natin e." ibinigay sakin ng ina ang sanggol.

Pinagmasdan ko ang sanggol nang ilang segundo, biglang tumulo ang luha ko. Naalala ko ang batang nasa sinapupunan ko lang pero nawalan ng karapatang mabuhay.

Ngunit makalipas ang makailang pag-titig ko sa sanggol na iyon ay nakaramdam ako ng inggit at galit hanggang sa....

"ANAK KOOOO!" biglang napasigaw ang ina nang bigla kong ibato sa sahig ang sanggol. Maraming nagulat. Lahat nagtakbuhan. Pero ako ay bigla akong natawa.

"Walang hiya ka!" di ko namalayan, nahampas na pala ako ng isang malaking bakal sa ulo ng asawa ng ina ng sanggol na pinatay ko. Di ko namalayan napahiga na pala ako sa sahig ng simbahan.

Hindi ko alam kung patay na ba ako o hindi pero nung makita ko ang ina ng sanggol na iyon na umiiyak ay bigla akong nakaramdam ng matinding saya.

**

"Patay na."

"Sige, ilagay mo lang diyan."

"May kamag-anak ba?"
"Wala e."

Dinig na dinig ko ang mga embalsamador na nag-uusap kong anong gagawin nila sakin.
Sabi nila, patay na ako. Pero, ba't naririnig ko pa sila?

Tumayo ako sa kinahihigaan ko, nakita ko ang mga banggkay na nakatambak sa isang lugar. May mga lasog lasog ang katawan. Walang mata. Walang kamay. Walang paa. Nakita ko rin si Nurse Manolo, napahalakhak ako ng makita ko ang pagmumukha niya.

Nang umalis na ang mga embalsamador ay agad akong tumakas, diretso rin akong pumunta sa campus, agad na bumungad sa mga mata ko si James.

"Pare," kinakabahang tinapik ng teamate ang balikat ni James, dahan-dahan siyanf lumingon at nang makita niya ako ay bigla niyang nabitawan ang soccer ball na hawak-hawak niya.

"Thea," ang naiusal ni James sa ere. Lumapit ako sa kanya at habang ginagawa ko iyon ay nagsitakbuhan na ang mga teamate niya. Gabi na ngayon kaya wala nang tao dito sa feild. Kaming dalawang ni James.

"Thea, huminahon ka," nanginginig niyang tugon sa'kin nang bigla niyang makita na may patalim pala akong dalawa. Ilang sandali pa ang nakalipas ay na-korner ko na siya sa may bleachers.

"Thea, maawa ka. Don't do this to me. Maawa ka?" biglang napaiyak si James, hindi ko maintindihan pero biglang kumirot ang puso ko.

"Minahal mo ba ako James?" kaharap ko si James ngayon at nang itanong ko sa kanya ang tanong na iyon ay biglang bumigat ang nararamdaman ko, 'di ko namalayan, may tumulo na palang luha sa mga tao.

"Thea, mahal na mahal kita. Alam mo 'yan! It's just that hindi pa ako handa na panagutan ka. Thea marami akong pangarap. Pangarap ko sa sarili ko at pati na sa iyo. Thea believe me. Mahal kita," sa sinabing iyon ni James ay bigla kong nabitawan ang kutsilyong dala ko. Napayuko ako at napatingin na lang sa madungis kong paa na inuulan ng luha galing sa mga mata ko.

"Hind totoo 'yan!" biglang nanlisik ang mga mata ko at mabilis pa sa kidlat ay agad kong nahawakan ang leeg ni James. Akmang sasakalin ko na sana siya nang tuluyan nang biglang may kung anong matulis na bagay ang bumaon sa ulo ko.

Biglang natigil ang hininga ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko pero wala lumalabas sa bibig ko. Makalipas pa ang ilang saglit ay naramdaman ko na lang na may dugo na pala sa noo. Umagos ito mukha ko. Pinilit kong lumingon at nakita ko ang bestfriend kong si Rose. Kinakabahan. Hindi mapakali. Natingin lang sakin.
"James, napatay ko siya!" biglang napahagulhol si Rose habang ako ay bumulagta na sa lupa. Naka-dilat ang mga mata, nahihirapang huminga at umaagos ang luha. "R-rose," sa abot ng aking makakaya ay binigkas ko ang pangalan ni Rose, "Tulungan mo ako," humingi ako ng tulong kay Rose pero wala siyang ginawa at niyakap niya lang si James. Kahit nahihirapang huminga ay nakaramdam ako ng matinding galit. Galit na galit ako kay Rose!!

Humiginga pa ako ng oras na iyon at nakapagdesisyon si James na ihulog na lang ako sa mula sa third floor na fourth year building nang sagayon ay aakalain ng maraming tao na nagpakamatay ako. Pinag-suot pa ako niya ng uniporme para magmukhang totoo ang mga plano niya. Gusto kong magmakaawa pero...

"Pasensya na Thea pero," bigla akong inihulog ni James mula sa third floor. Ramdam na ramdam ko ang hangin na dumadampi sa balat ko, binuksan ko saglit ang mga mata ko at nakita ko si James na walang hiyang nakatingin sa'kin. Lumipas pa ang ilang sandali ay naramdaman ko na lang ang matinding pagbagsak ko sa lupa. Duguan, nagkalasog-lasog ang ulo at wala nang buhay.

Sa huling pagkakataon ay nasilayan ko si James, pero sa pagkakataong ito ay nakita kong lumapit si Rose kay James at nagyakapan silang dalawa.
Tumulo ang luha ko.

Magbabayad kayong dalawa.

<*Pagtatapos ng Pagbabaliktanaw*>

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon