Page 10

196 10 0
                                    

"Catherine, salamat at dumating ka," niyakap ako ni Jorge nang mahigpit. Nandito ako ngayon sa isang magarang venue sa tapat ng dagat. Monthsary namin ni Jorge ngayon at naghanda siya ng surpresa sa akin.
Medyo mangiyak-ngiyak pa ako nung makita ko ang set-up na ito na siyang surpresa ni Jorge sa'kin. Nagagalak ako na nawiwirdohan. Parang hindi totoo ang lahat.

Masaya kaming kumain. Nagtawanan rin kami ni Jorge at nagbiruan. Sa huli, ay binigyan niya ako ng regalo. Isang necklace na may capital C na nakasabit. Isuot niya ito sa akin. Nung una ay nahihiya pa ako at halos ayaw ko itong tanggapin kasi paniguradong mahal 'to pero ika nga nga ni Jorge, "Mas mahal kita Catherine higit pa sa anu mang bagay."

Natapos ang gabi nang inulan kami. Sumilong kami ni Jorge sandali, nagpatuyo at agad na naglakad palabas ng resort para makauwi na ako at si Jorge naman ay makapasok na sa trabaho.

"Okay lang talaga sa'yo na mauuna lang ako?" tanong ni Jorge, malakas ang buhos ng ulan pero dinig ko ang sinabi ni Jorge. Naka-silong kami ngayon sa iisang payong habang paulit-ulit na tinatanong ni Jorge kung okay lang ba sa kanya na siya na lang ang mauunang umuwi nang hindi siya ma-late.

"Oo sabi e. Ang kulit talaga nito," ibinigay ko sa kanya ang payong at agad niya itong binuklat, akmang aalis na sana siya nang bigla niya akong halikan sa labi.
Nagulat ako at hindi na nakapagsalita, naglakad na siya sa daan habang ako ay nakatayo at pinagmamasdan lang siya.

<*Peep!*>

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon