Page 4

1.6K 50 6
                                    

Maya-maya pa, naidlip ako sa waiting shed na sinisilungan ko at makalipas ang ilang minuto ay nagising ako nang may isang bus ang huminto sa harapan ko. Nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko ay nakita kong bumaba ang isang lalaki kung saan ay dala-dala niya ang isang maleta at isang backpack. Ang mismong lalaking katabi ko kanina sa bus. Pero ano'ng ginagawa nya dito?

"Sa'yo ba 'to?" nakangiting tanong n'ya habang inaabot sa'kin ang isang pendant watch.

"Oo, sa'kin to." Kinuha ko 'yung pendant watch sa kamay n'ya.

"Naiwan mo yata 'yan nung sumakay ka sa bus." Umupo s'ya sa tabi ko.

Sa 'di ko malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa kanya. 'Yung tipo na para bang nakita ko na sya dati? O baka guni-guni ko na naman ulit? Siyempre, nakasama ko na siya sa bus kanina pero parang nakita ko na talaga siya months ago. Hindi ko lang talaga maalala.

Agad akong umiwas ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Bago pa man niya mahalatang naiilang ako ay agad na akong nagsalita.

"Kaya ka ba pumunta dito para ibalik lang 'tong pendant watch ko?" tanong ko sa kanya at tumango siya bilang sagot.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon