Page 7

198 10 0
                                    

Pero pumasok parin ako, nakita ko ang isang duguan na upuan. Ang mismong upuan kung saan nakaupo si Jorge kanina.

"Bumagsak ang ceiling sa isang estudyante, nabiyak ang ulo." ang sagot ng isang officer na kumuha sa bangkay ng estudyante. Naitakip ko bigla ang kamay ko sa bibig ko at naiyak. Si Jorge ang nakaupo sa upuan na iyon bago mangyari ang aksidente. Ito na ba ang sumpa?

**

"Catherine! Bakit mo ba ako iniiwasan? May problema ba?" habang naglalakad sa hallway ay umakto akong hindi ko naririnig at nakikita si Jorge pero sa bandang huli, wala akong nagawa.

"Jorge!? Hindi mo ba alam? Bulag ka ba? Nung isang araw, namatay yung estudyanteng nakaupo sa upuan mo! Kung nananitili tayo dun, maaring ikaw ang namatay! At kung namatay ka man...." tinignan ko siya sa mga mata, "hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Umiiyak akong nag-walk out kay Jorge. Siguro, ito na ang pinaka-epic fail na lovestory sa lahat. Una, nakakatakot. Pangalawa, limited ang oras. Pangatlo, paniguradong walang forever.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon