Page 5

216 11 0
                                    

Napalingon ako at nakita ko si Jorge, nakangiti at marahan niyang inabot sa'kin ang isang napkin, "Naiwan mo." sabi niya at agad na akong umalis. Nakakahiya.

Nagpatuloy ang  pagtatagpo namin ni Jorge sa university. Classmates rin kami sa dalawang subjects. Napapadalas rin ang pagkikita namin nang maging partners kami sa isang report. Mas napalit ang loob ko kay Jorge lalo pa't hindi niya ako hinuhusgahan. Yun nga lang, hindi ko pa pinapaalam sa kanya yung tungkol sa sumpa kasi.... natatakot akong lumayo si Jorge sa'kin. Natatakot akong mag-isa pero ayoko rin namang maging selfish. Inaasahan ko rin na lumayo na si Jorge sa'kin bago pa mahuli ang lahat. Ayokong mamatay si Jorge nang dahil sa'kin.

"Hey Jorge! Don't you know that Catherine has a curse with her?"

"Curse?" Napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Jorge sa stock room ng university. Kinabahan ako bigla kaya napatigil ako sa paglalakad at nakinig na lang sa usapan nila ni Tifanny--isang mataray kong kaklase na may galit sa mundo.

"Yes! Hindi mo ba alam na namamatay ang mga nagiging close kay Catherine?" sa sinabi ni Tifanny kay Jorge ay nanlaki ang mga mata ko. Ba't niya 'to sinabi kay Jorge?

"Tifanny alam mo, you know, praning ka lang. Curse? Tss.  Sa tingin mo maniniwala ako? Kung ayaw mo kay Catherine kasi mas matalino siya sa iyo don't make issues with her? Don't you know na pwede ipakulong ni Catherine dahil sa mga pinaggagawa mo?"

"I hate you Jorge! I hate you! I will make sure that you will regret this! I hate you!" lumabas si Catherine, nakita niya ako, "You!" sabay duro sa mukha ko.

"Hindi ka nararapat dito! Mangkukulam!" muntikan nang mahampas ni Tifanny ang bag niya sa'kin, buti na lang napigilan siya agad ni Jorge.

"Sige, subukan mo saktan si Catherine at hindi ako magdadalawang isip na manakit ng babae." hawak-hawak ang braso ni Tifanny ay sinabi iyon ni Jorge. Umalis si Tifanny, naiwan kami ni Jorge. Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Tifanny.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jorge, nakatingin siya sa lumuluha kong mga mata.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon