Page 3

223 10 0
                                    

*Pagbabaliktanaw*

"Catherine, bibili lang ako ng burger saglit ah?" naglakad ang bestfriend kong Akiyah sa kalsada. Naiwan akong nakatayo sa harap ng department store at pinagmasdan ko si Akiyah na kasalukuyang tinatahak ang daan. Napuwing ako nang may duman na kotse sa harapan ko kaya napapikit ako. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nagulat na lang ako nang makita kong nagkakagulo na ang mga tao sa gitna ng daan. Yung iba, nasusuka. Yung iba iyak ng iyak. Makalipas ang ilang sandali nakita ko si Akiyah a ere. Isang malaking bakal mula sa isang sasakyan na pang-construction ang tumuhog sa kanyang tiyan. Lumusot ang bakal sa kanyang likod at kitang-kita ko pa ang mga laman ni Akiyah na dumikit sa bakal. Lumapit ako kay Akiyah at napasigaw na lang.

Alas TresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon